Sarah Geronimo, aminadong nawalan ng kontrol sa emosyon

ADVERTISING

Sarah Geronimo, aminadong nawalan ng kontrol sa emosyon

Sarah Geronimo, aminadong nawalan ng kontrol sa emosyonSARAH GERONIMO’S performance of Britney Spears’ Womanizer on her show Sarah G Live became a hot topic. After her number, she urged the audience not to fall in love with womanizers. Tinanong din niya ang co-host na si Robi Domingo if he is a cheater. Inaakala tuloy ng marami na ito ay patungkol kay Gerald Anderson na minsang na-link sa kanya. Nag-sorry naman si Sarah noong gabi ring iyon sa kanyang show, “Pasensiya na po at hindi ko po napigilan ang sarili ko. Pasensiya na po.”

Muli siyang humingi ng paumanhin sa mga tao when she renewed her contract with ABS-CBN. “Iyon kasi ang outlet ko talaga, hindi ko po idi-deny iyon. Pero iyon, tapos na. Nag-apologize ako sa closing. Mali, mali po iyong inasal ko.”

“Nawalan lang ako ng kontrol sa emotion ko kasi nadala ako sa audience at sa songs na kinanta ko. Ina-admit ko na personal choice ko po ang mga songs na iyon. Medyo lumagpas lang ako. Pasensiya na.”

Sarah denied that she is still bitter over her failed romance with Gerald who is now being linked with Maja Salvador. Hiningan naman si Sarah ng komento tungkol dito. “Si Maja naging malapit din po sa akin. Basta I wish her true, true love. Totoong pagmamahal. Siyempre every girl deserves true love as in iyong paninindigan talaga.”

ADVERTISING

Sarah Geronimo, aminadong nawalan ng kontrol sa emosyonAyaw sagutin ni Sarah ang tanong kung naapektuhan ba ang kanilang pagkakaibigan ni Maja dahil sa isyu but she said na hindi madaling makahanap ng tunay na kaibigan. “Actually kahit hindi sa show business. Bawat isa rito sa mundo mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Ang importante, ikaw sa sarili mo ay genuine ang pinapakita mong friendship, ang loyalty mo sa kanya. Kung hindi maibalik sa iyo, well dadaan ka sa disappointment, frustration o galit kung feeling mo ay na-betray ka. Pero everything happens for a reason and you have to trust God kung bakit nangyari ang mga iyon,” paliwanag niya.

Meanwhile, Sarah is busy with her new Star Cinema movie titled It Takes a Man and a Woman opposite John Lloyd Cruz. Ito ang ikatlong pagkakataon na magkasama sila sa pelikula after A Very Special Love at You Changed My Life. Katulad sa mga nauna niyang pelikula ay wala pa ring kissing scene dito si Sarah na inaabangan ng marami. Katwiran niya, “Hindi naman iyon ang papanoorin ng mga tao. Kung mayroon man, iyon ay ang istoryang mayroon kami. Kung ano iyong na-witness nilang love story nina Miggy at Laida.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING