Sarah Geronimo, aminadong masaya ‘pag kasama si Gerald Anderson!

Sarah Geronimo, aminadong masaya ‘pag kasama si Gerald Anderson!

Sarah Geronimo, aminadong masaya ‘pag kasama si Gerald Anderson!

TIYAK NA maraming fans ang kinilig when they found out that Sarah Geronimo and Gerald Anderson spent Valentine’s Day together. Gerald invited Sarah and her family in a karaoke bar. “Nag-KTV kami. Malaking grupo kami,” kwento niya during a presscon for his latest endorsement. Nagpapasalamat din siya dahil pinaunlakan ng pamilya Geronimo ang kanyang imbitasyon.

Kung titingnan mabuti ang takbo ng mga pangyayari ay wala tayong nakikitang problema kung sakali mang magkaroon ng totoong relasyon ang dalawa. Gerald is close to Sarah’s family. Pareho silang single. They look good together.

Dahil sa closeness nilang dalawa, marami tuloy ang naniniwalang may relasyon na sila. But Gerald and Sarah say they’re good friends. “Ayaw ko nang maglihim. Malalaman ninyo if ever maging kami,” she promises.

Aminado si Sarah na masaya siya kapag kasama niya si Gerald. He inspires her to become a better person lalo na kapag nakikita ni Sarah si Gerald na tumutulong sa mga nangangailangan.

Hindi naman nagmamadali ang aktor sa kanyang panliligaw. “Hindi dahil nakasama ko si Sarah noong Valentine’s Day ay ibig sabihin nagmamadali kami. Single siya at single ako, walang masama doon.” At kung may balak daw siyang manligaw ay “tingnan po natin, huwag tayong magmadali.”

But even if they’re not yet in a romantic relationship ay makikita at mararamdaman mo namang espesyal sila sa bawat isa. Gerald gave Sarah a Tiffany necklace with a heart pendant last Christmas. May gusto ba siyang ipahiwatig sa dalaga tungkol sa sinisimbolo ng puso sa kwintas? Sarah gave him a T-shirt and a perfume but what makes the gifts extra special is that he is the first guy na binigyan ng regalo ni Sarah.

Tama si Gerald. Huwag natin silang madaliin at pangunahan. Let them enjoy each other’s company. Dito nila makikilala ng lubusan ang bawat isa. Hindi ba’t friendship is the solid foundation of a romantic relationship? Pasasaan ba’t dito rin mauuwi ang kanilang mabuting pagsasamahan kung talagang sila ang nakalaan para sa isa’t isa. Tingnan ninyo nga kahit pareho silang busy ngayon ay nagagawa pa rin nilang maglaan ng oras para magkita. We can only wish them the best and all the happiness they both deserve.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda