Sarah Geronimo, alanganin pa ring magpakasal kay Matteo Guidicelli

Sarah-GeronimoGUSTO NA ni Sarah Gernonimo na i-level up ang status ng kanyang pagiging artista at paunti-unting mag-mature na sa mga roles na ginagampanan niya. Ito raw nga ang dahilan kung bakit napapayag siya sa kissing scene nila ni Piolo Pascual sa pinagtatambalan nilang pelikulang The Break Up Playlist.

Dati, mga dampi sa labi lang na kissing scenes ang mga nagawa niya. Pero ngayon, talagang kissing scene na talaga.

“Ito na nga yata ang pinaka-mature role ko,” sabi nga ni Sarah. “Mature in the sense na hindi kailangang maghubad. ‘Yong last na eksena nga namin ni Papa P (Piolo) na kinunan, hindi ko masabi ang line ko, kasi nga… kinikilig ako.”

Tungkol naman sa napapabalitang posible nang pagpapakasal nila ng boyfriend niyang si Matteo Guidecelli, ayaw niyang sigurihin na ito.

“Marami pa po kasi kaming ano… siyempre kailangan pang ayusin bilang mga tao, ‘di ba? Ang hirap-hirap ho ang pagpapakasal. Ang dami kong stories na naririnig about… ‘yong mga situwasyon na hindi talaga biro-biro ang pagpapakasal.”

Tama!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleDaniel Padilla, ngarag sa paghahanda sa concert
Next articleAngel Locsin, lumabas din ang tunay na kulay

No posts to display