Sarah Geronimo, aalis na sa poder ng mga magulang?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, aalis na sa poder ng mga magulang?!

Sarah Geronimo, aalis na sa poder ng mga magulang?!  NOONG NAKARAANG LINGGO, naimbitahan kami sa isang videoke night with Sarah Geronimo. Medyo exclusive ang naturang invites kaya kakaunti lang ang mga media people na nandu’n.

Sa tsikahan namin with the Pop Princess, inamin niyang niregaluhan nga siya ni Gerald ng dog carrier na Louis Vuitton, pero hindi totoo ‘yung mga tsismis na mamahaling relos at kotse raw ang iba pang iniregalo sa kanya ng binata. Malapit nang simulan ang kanilang pelikulang pagsasamahan ni Gerald at ito na bale ang pangalawang pelikula nila this year, kaya baka posibleng magka-developan na ang dalawa.

“Ayan naman ay hindi natin madidikta ‘yun, ‘di ba? Sabi nga n’ya, ‘wag nating ipilit, pero if it’s going to happen it will happen.”

May mga balita ring magkakaroon sila ng movie with the one and only Superstar na si Miss Nora Aunor, totoo kaya ito? “Ayun nga sana po, matuloy kung totoo man. Sana may plano, kasi siyempre Superstar ‘yan eh, Ms. Nora Aunor, malaking karangalan na makasama siya sa pelikula.”

ADVERTISING

Sa usapin naman ng kanyang puso, inamin naman ni Sarah na happy siya kahit loveless at ayon pa sa kanya hindi pa siya handang umibig muli.

“Hindi naman… happy naman po ang puso ko tsaka masaya naman ako na meron akong… ‘yung parang hinahangaan lang ganyan, kasi honestly ano talaga eh, let’s be practical kapag talagang na-in love ka, madi-distract ka eh, mas magpo-focus ka sa puso, ‘yung pagmamahal… parang gano’n. Kasi siguro, hindi pa naman ako sanay sa mga relationship, pero gano’n ang nakikita ko sa ngayon, hindi ko pa kayang mag-handle ng isang relationship.”

Darating din kaya siya sa point na kumawala siya sa hawla ng kanyang mga magulang at mamuhay nang sarili, kukuha ng sariling condo? “Ay, hindi po, ‘yun nga ang lagi kong sinasabi, hindi ko pa kayang mag-solong manirahan nang ako lang mag-isa sa condominium. Ano lang, kumbaga mga simpleng bagay lang na kailangan na alam ko na gawin, ‘di ba? Halimbawa, pagluluto marunong akong maglaba… hindi ‘yung mga halimbawa financial na bagay, alam ko na ring humawak ng pera ko. Alam mo ‘yung mga parang nag-go-grow ka rin bilang 23 na rin naman ako. So alam ko namang hindi ipagkakait ng magulang ko ‘yun. ‘Yung mga ganu’n pa lang, pero to live independently, hindi talaga.”

 

MALAYU-LAYO NA NGA ang narating ng Juicy na ngayon ay Juicy Express na. Three years na ang itinakbo nang programa na nagpasimula ng trend sa bagong panahon ng pagkakaroon ng daily showbiz news.

Marami nang naging kontrobersiya ang pinasimulan ng nasabing talk show at nanatili itong matatag sa ere hanggang sa ngayon. Nagpalipat-lipat man ito ng timeslot, pero hindi pa rin bumitiw ang ating mga Ka-freshness (tawag sa mga Juicy fanatics) at patuloy nilang tinatangkilik ang napakainit na mga balitang showbiz na hatid ng show.

Magkakaroon ng Juicy Awards ang show sa anniversary nito sa September kaya inaabangan na kung sino ang pasok sa ilang kategorya na bibigyan ng parangal. Magkakaroon din nang isang malaking pasabog para sa mga loyal Juicy viewers come December na ikaloloka siguro ng iba pang mga showbiz talk show.

Kaya, tune in lagi sa Juicy Express everyday, 10 am sa TV5, at abangan ang mga latest showbiz tsismis hatid nina Nanay Cristy Fermin, DJ Mo Twister, Shalala, IC Mendoza at Alex Gonzaga. ‘Yun Na!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING