Sarah Geronimo’s Mommy Divine hated by fans?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo’s Mommy Divine hated by fans?!

Sarah Geronimo’s Mommy Divine hated by fans?!NAKAKALOKA TALAGA ITONG madir ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine. Last Sunday, April 10, sa ASAP Rocks  ay nakiusap ang dalawang fan ni Sarah na magpakuha ng photo kasama ang dalaga. Ang dalawang tagahanga ay may-ari ng isang stall na sponsor ng Sunday musical variety show ng Dos.

Naparaan kasi ang mag-ina sa food stalls nang magdaan sila mula sa backstage. Lumabas si Sarah kasama ang nanay at siyempre ang kanyang security marshalls.

Game naman si Sarah na magpakuha ng photo kasama ang kanyang fans. In fact, pumoporma na nga ito at handa nang magpalitrato. Kaya lang, bigla raw nagmahadera ang ina nitong si Mommy Divine at niyaya si Sarah na umalis na sa lugar dahil may pupuntahan pa sila.

“Tayo na, tayo na Sarah,” sabi raw ng madir ng dalaga sabay hatak sa kamay ng Pop Star.

ADVERTISING

Siyempre, alerto naman ang bodyguards ni Sarah at bigla itong humarang para hindi makalapit nang husto ang dalawang fan ni Sarah.

Nadismaya nang todo ang dalawang taga-hanga ni Sarah, hindi sa dalaga kundi sa inasal ng ina nito.

“Gano’n pala ‘yon. Totoo pala ang tsismis tungkol sa mommy ni Sarah,” sabi raw ng isang dismayadong fan.

True ba ito, Mommy Divine?

PAULIT-ULIT NA TINANONG si Cristine Reyes tungkol sa pagbabati nila ni Sarah Geronimo. Sa presscon ng latest movie ni Cristine na Tumbok, paulit-ulit din ang kanyang naging tugon.

“Ayoko nang pag-usapan kasi baka sabihin… ayoko nang pag-usapan. ‘Wag na nating pag-usapan,” may halong pakiusap ng dalaga. Sinabi naman niyang hindi siya talaga kumportable na maging topic si Sarah sa kanyang interview. Feeling kasi niya, baka maakusahan siyang nanggagamit lalo pa’t may movie siyang ipalalabas.

“Magkaibigan naman kami,” sambit na lang ni Cristine sa mga nangungulit sa kanya.

Game naman ang dalaga na pag-usapan ang boyfriend na si Rayver Cruz. “Pareho kaming open. Pareho kaming nagkakaintindihan. Hindi namin sinasakal ang isa’t isa. Parang ang laki ng tiwala namin sa isa’t isa,” kuwento ng dalaga.

It helped that they’re very open in their relationship. This way, hindi sila nagtatago kaya nakakaiwas sila sa mga intriga.

“Oo para ano, walang tinatago ‘pag may nagtanong. Not naman super open, kasi siyempre kailangan din naman namin ng privacy.”

Ayon na rin kay Cristine, ang pagiging positive ni Rayver ang pinakanagustuhan niya sa binata. “Lahat ng positive parang nasa kanya na. Wala akong nakitang negative. Wala, puro lahat positive,” tsika pa ng younger sister ni Ara Mina. Ni hindi nga raw ito marunong magselos, kung magselos man ay idinadaan lang ito sa biro at hindi seryoso.

HINDI NA PALA tuloy ang Bagwis na pagbibidahan ni Gerald Anderson. Papalitan ito ng bagong show na hindi masyadong maaksyon.

Ang feeling ng Dos, hardcore action masyado ang Bagwis na hindi naman swak sa action-drama image ni Gerald. This is the reason why ABS-CBN decided to shelve it.

Anyway, the same cast of the said soap will compose the new TV starrer of Gerald. Kabilang pa rin dito sina Rayver Cruz, Jessy Mendiola at idinagdag si Zaijian Jaranilla. Ang alam namin, si Jewel Mische pa rin ang leading lady ng favo-rite leading man ni Kim Chiu.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING