Sarah Geronimo’s Mom, Feared By Star Cinema?

ADVERTISING

Sarah Geronimo’s Mom, Feared By Star Cinema?

Sarah Geronimo’s Mom, Feared By Star Cinema?TILA SUNUD-SUNOD na ang magagandang pangyayari kay Sarah Gero-nimo mula nang makipagbati siya kay Cristine Reyes. Sabi sa TV, P15-M ang opening gross ng movie niya with Gerald Anderson.

Ewan lang namin kung totoo ito o may padding. Anyway, hindi pa ‘yon. May dinner invite din si Sarah mula kay Cristine. Ang imbitasyon ay mag-dinner silang apat, siya, si Cristine, si Ara at Rayver Cruz.

Nagpahiwatig naman ang Pop Princess na open siya sa idea, kaya lang, gagawin niya ito kapag handa na raw ang lahat ng nakapaligid sa kanya. Alam naman natin na kokontra si Mommy Divine rito for sure. Hindi nga ba’t hindi pala type ni Mommy Divine ang ginawang pagso-sorry ni Sarah kay Cristine nung Sunday sa ASAP Rocks?

Bakit daw siya hihingi ng paumanhin, eh wala naman daw siyang kasalanan? Kung siya ang masusunod, hindi dapat makipagbati ang kanyang anak kay Cristine.

ADVERTISING

Dahil pa rin daw sa pakikialam ni Mommy Divine ay hindi raw natuloy ang halikan nina Sarah at Gerald sa kanilang movie. Ilang revision na ang nangyari just to please Sa-rah’s mom, pero wala pa ring nangyari. Hindi pa rin daw ito napapayag.

Bakit naman kasi pinababayaan ng Star Cinema ang ganitong sistema? Takot ba sila sa madir ni Sarah?

BONGGA ANG MAGIGING winner ng Miss World Philippines. Hindi kasi basta-bastang premyo ang kanyang mapa-panalunan. In-announce ni Ms. Cory Quirino na siya ngayong head ng nasabing search sa bansa na ang cash prize ng mananalong Miss World Philippines ay one million pesos. At hindi pa ‘yon. May karagdagan pang isang condo unit mula sa SMDC na mapapanalunan ang grand winner.

Pinalakpakan nang husto ang announcement na ito ni Ms. Cory at ni Mr. Henry Sy, Jr. na siyang kumatawan sa SMDC kamakailan. Hindi naman kasi biro ang prizes na kani-lang ipamimigay come coronation night. At welcome change ito sa mundo ng beauty pageant. Kumbaga, finally ay na-upgrade na rin ang premyo sa mga beauty pa-geant and it took a Cory Quirino to effect the change.

Ang isa pang bonggang rebelasyon noong gabing iyon ay ang announcement ni Ms. Cory na sa Palawan kukunan ang swimsuit competition. Alam naman natin kung gaano kaganda ang Palawan.

BLIND ITEM: NATARANTA ang isang network nung araw dahil nabalitaan nila na ang alaga ni-lang  actor na may bahid ng pagkaberde ang dugo ay makiki-pagtanan sa kanyang dyowa. Wala namang problema, kaya lang, ang itatanan ng actor ay isang baklitang director din na nasa kani-lang poder.

Nabahala ang mga executives dahil mawawalan sila ng isang malaking personality sa kanilang roster of talents. Kaagad na gumawa ng paraan ang mga ehekutibo.  Binigyan nila ng bonggang project ang actor. At ang director naman ay ginawan nila ng posisyon para hindi nito maisip na magpunta sa ibang bansa.

Ang plano kasi ng dalawang baklitang lovers ay iwan nila ang pamilya at career dito at sa ibang bansa na manirahan. Take note, may asawa ang directed by at may mga anak.

Anyway, nabigyan ng isang bagong show ang directed by. At sa bagong show na ‘yon naman ay nakilala ng lover niyang actor ang isang aspiring actor.

Ang ending? Nawala sa romantic scene ang directed by at naging lovers ang actor at ang baguhan. Natanggap naman ito ng director. Ngayon, happy na siya para sa actor-lover niya at very happy siya sa kanyang bagong position.

Mas happy ang network dahil hindi nawala ang actor at patuloy pa rin itong namamayagpag.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING