Sarah Geronimo’s fans still can’t accept that Rayver Cruz is now with Cristine Reyes?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo’s fans still can’t accept that Rayver Cruz is now with Cristine Reyes?!

Sarah Geronimo’s fans still can’t accept that Rayver Cruz is now with Cristine Reyes?! OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth, dahil ayaw pa ring tumigil ng mga fans ni Sarah Geronimo na talagang makukulit at makikitid ang utak. Kahit saang sulok nga kasi ng teknolohiya sa internet, ayaw talagang magpaawat ng mga fans at kung anu-ano ang isinusulat na mga comment lalung-lalo na kay Cristine Reyes.

ADVERTISING

Kaya nga ang sey ng lolo mo sa mga fans na makikitid ang utak, hindi lang talaga matanggap ng mga fans na ito na napunta si Rayver Cruz kay Cristine.

SPEAKING OF CRISTINE Reyes na may bagong pelikula ngayon, naiisyu talaga siya kay Carlo Aquino dahil marami ang nagtatanong kung may love scene ba sila sa pelikulang Tumbok?

Ang sagot nga ni Cristine, panoorin n’yo na lang at showing na nga ito ngayong araw, May 4. Para nga raw malaman ng mga nagtatanong kung sino ang nakatumbukan niya sa pelikula.

ADVERTISING

May mga nagtatanong pa kay Carlo kung may posibilidad bang magkatuluyan sila ni Cristine, ang sagot naman ng binata ay taken na raw siya, dahil meron na nga raw siyang 8-month relationship sa isang non-showbiz girlfriend niya.

Sabi naman ni Cristine, hindi niya ipagpapalit ang ‘baby’ niya at iisa lang naman ‘yun… alam n’yo na kung sino, ‘di ba?

Ayan, ha? Mukhang sa sagot niyang iyan, marami na namang magwawalang fans ni Sarah. kaloka talaga!

AT HETO PA ang isa sa mga napaka-init na isyu na talagang hiwalay na nga sina Vic Sotto at Pia Guanio. Talaga naman daw hindi makapag-move on si Pia sa hiwalayan nila.

Nagsimula raw ito sa show nila sa Vancouver, kaya naman ang napapabalitang dyowa ngayon ni Vic, eh ang isang flight stewardess. Kaya naman ang eksena ngayon ni Pia na napaka-bitterness, kumuha talaga siya ng bagets para pagselosin si Vic.

Ang tanong: Nagseselos naman kaya si Papa Vic? Siguradong dedma lang dahil marami talagang babae sa mundo. What Vic wants nga raw… Vic gets… hahaha! ‘Yun na!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman itong matandang comedy actress na ito na talaga namang pinagsawaan na siya ng mga thunders? Kaya naman ngayon, nangha-hunting na lang siya ng mga bagets, kaya nakakaloka talaga!

Super-desperada talaga ang lola mo. Ang tanong: Binayaran kaya niya ang mga bagets na ito? Hahahahaha!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING