Sarah Geronimo’s concert in Cebu is a flop?

 

Sarah Geronimo’s concert in Cebu is a flop?

Sarah Geronimo’s concert in Cebu is a flop?OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Ayan ang bilis naman ng weekends natin, parang hindi ko naramdaman. Hahaha! Dahil alam n’yo ang inyong Tita Swar-ding ay walang pahinga at ratsada talaga ang lola mo… alive and kicking pa rin sa mga showbiz authority of chikka, kaya don’t make your Monday a blue Monday.

Sabi ko nga noong last write-up ko nu’ng Friday, abangan natin ang concert ni Angeline Quinto at Sarah Geronimo, at maki-chismis talaga tayo kung sino ang mas tinao. ‘Eto na ang naganap sa concert ni Angeline, na talaga naman daw dinumog ng tao at dumating nga ang kanyang idol na si Regine Velasquez, at siyempre, dumating din ang hinahangaan niyang si Coco Martin, at in fairness, binigyan siya ng necklace. ‘Di ba, ang taray ng ate mo?

Mukhang ang laki ng iginanda ngayon ni Angeline, mukhang may nabago sa kanyang face… oooops! Mukhang nagpa-noselift ang ate mo…

At heto na nga, nagtanong kasi ako ng balita sa aking co-host sa DYRC Cebu, kung kumusta ang naging concert ni Martin Nievera with Sarah. Naku, ‘te… I’m sure flopsina ‘yun, dahil noong nakaraang taon nang nag-concert sila ni Martin Nievera with Gary V., naging flopsina ang tandem nila, ngayon kaya kumita kaya?

Sabi ko kasi sa aking co-host, i-text n’ya ‘ko kung tinao, ‘wag n’ya na kong i-text kung flopsina… mukhang naging flopsina nga ‘te… ayan kasi kung pinagbigyan na lang kaya n’ya si Angeline, ‘di pa siguro magiging isyu ‘yan… ayaw kasing magpakabog ng ate mo, eh…

 

HETO NAMAN ANG very kontrobersiyal at nakawiwindang na isyu at mukhang ang Lunes n’yo ay masi-shock dahil maraming nagtatanong sa ‘kin kung sino ang nasa blind item ko noong nakaraan na chismis lang talaga, dahil nga may something effect daw talaga sa kanila ng kanyang lover dear na jowa nya…

At heto na nga ang chismis sa a-king blind item noong nakaraan, na sino itong nagpalaglag na actress na talaga namang nakikipag-something lang sa isang askal na player… iyan ay ang isang angel din sa showbiz industry.

How true kaya na nagpalaglag itong si Angel Locsin? Naku, ‘te… sagutin mo ‘yang isyu na ‘yan dahil ayan ang chismis ngayon sa ‘yo… pak! Nakawiwindang, ‘di ba? Hahaha!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding