Parazzi Chikka: Sarah at Toni, cast sa stars war!

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Sarah at Toni, cast sa stars war!

Nakakalokah talaga ang ating mga babaeng artista ngayon! Kung dati, Kapamilya vs. Kapuso lang, mukhang nagkakaroon na rin ng iringan ang ilan na nasa iisang bakuran lang. Good example nito sina Sarah Geronimo at Toni Gonzaga.

ADVERTISING

Parehong galing sa GMA-7 ang dalawang aktres pero sa ABS-CBN sila nagningning. Pareho rin silang talented. Ilan na ba ang hit songs nila? Ilang shows na ba ang nairaos nila nang maluwalhati? Ilan na ba ang box-office movies nila? Ilan na ba ang product endorsements nila? O, ‘di ba, nakakalula?

Bigla na lang kasing lumabas sa isang forum ang diumano’y “silent war” nina Toni at Sarah. Nag-umpisa raw ito nang maisipan ng isang film outfit na pagtambalin sina Piolo at Sarah. React agad ang fans ni Toni dahil matagal nang wish ng mga ito na magsama sa isang pelikula ang Sprite love team. Pero hindi na matutuloy ang unang plano kung kaya naisip naman ng film outfit na pagsamahin sina Toni at Sarah. How true naman kaya na ayaw ng kani-kanilang kampo ang diyamanteng ideyang ito?

Isa ring anggulo ang lumabas na may sulutan dalawa sa isang endorsement. Remember na endorser si Toni ng isang cosmetic line sa loob ng ilang taon pero bigla na lang siyang pinalitan ni Sarah. Aray!

ADVERTISING

May sulutan din daw sa pagiging Valentine queen dahil kung noon, si Toni ang palaging may pelikula kapag Araw ng mga Puso, mukhang si Sarah naman ngayon.

Sumilip din kami sa iba pang showbiz blogs at forums. Nakakalokah! Kasi marami ring fans ang nagdedebate sa kumpetisyon ng dalawa. May “stars war” nga ba? O baka mga miron lang ang gumagatong? Haha!

Hay, naku! Good luck na lang sa inyo, Sarah at Toni, noh! Magparami na lang kayo ng datung! Yun na!

Photos By Mark Atienza, Luz Candaba, Allan Sancon, Ronnie Bernaldo and Parazzi Wires

Parazzi Chikka

ADVERTISING