Sarah at Matteo, naghahanda na sa kanilang kasal?

ADVERTISING

Sarah at Matteo, naghahanda na sa kanilang kasal?

Sarah Geronimo And Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo And Matteo Guidicelli
Bea Alonzo And Gerald Anderson
Bea Alonzo And Gerald Anderson
Aly Borromeo And KC Concepcion
Aly Borromeo And KC Concepcion

Sa showbiz, maraming celebrities natin ang ayaw kumpirmahin kung ano mang meron na namamagitan sa kanila at sa kanilang “love” partners. Pero kung pagbabatayan mo ang kuhang pictures sa kanila, kahit walang caption ang mga litrato, maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinasabi.

Sa picture nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na ayaw pa ring umamin na “sila” na, ano ang masasabi n’yo na si Bea, kahit puyat the previous night, ay maagang nagising sa isang very early event ng binata na sinamahan niya sa Pampanga?

Sa photo nina KC Concepcion at football player na si Aly Borromeo na hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin, pero super sweet sa isa’t isa sa recent beach vacation nilang dalawa?

Last but not the least, sa usaping paghahanda ni Sarah Geronimo sa buhay may asawa at sa paghahanda sa kasal nila ng boyfie na si Matteo Guidicelli, anong teksto or caption ang ilalalagay n’yo sa picture nilang dalawa habang kausap ang isang pari sa simbahan? Ikakasal na ba sila tulad sa kumakalat na tsismis?

ADVERTISING

Basta ako, ayaw ko namang magmahadera. Ayaw kong pangunahan sina Bea at Gerald, KC at Aly, at Sarah at Matteo.

Basta ako, kung saan sila happy. Doon ako. May karapatan naman sila maging “private” paminsan-minsan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING