Sapawan ng eksena sa nakakalokang intriga!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday! At more chikka more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nag-iisang alam n’yo kung ano ‘yun! Hahaha!

Nakakaloka naman talaga at maloloka ka talaga sa Earth dahil itong taon na ito ay puro intriga ang pinag-uusapan nang bonggang-bongga at hindi natatapos dahil biglang natatabunan ng bagong isyu at talagang walang ending. Haha! Nakakaloka naman kasi talaga, Pasko pa lang ay limang malalaking isyu na ang aking natuklasan, kaloka, ‘di ba? Wala pang Bagong Taon, naku ha!

Heto na nga’t simulan na muna natin ang chikka dahil ang unang unang chikka ay itong kaso ni Ram Revilla. Nakakalokang isyu ito dahil talaga namang masasabi mong nakakalungkot. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tapos ang kaso. Matatapos na lang ang taon ay ganyan pa rin hanggang sa natabunan na lang ng kasong pagpatay sa tatay ni Charice na talaga namang ang maichi-chikka mo rito ay parang drama lang ang naging eksena at ang paratang sa kanila ay OA lang ang kinalabasan haha!

At after that, tinabunan naman ng isang bonggang-bonggang eksena na talaga namang naging malaking pasabog ni KC Concepcion, na hindi nga lahat ay perpekto. Nakakaloka, ‘di ba ang eksena nina KC at Piolo Pascual na talaga namang naging malaking usap-usapan ng mga taong ito. Ang masasabi ko lang dito ay ‘di ba matagal ko nang alam, ayaw n’yo kasing maniwala, eh!

At heto pa ang naging malaking pasabog na intriga ngayong taon na ito at talagang masasabi mo itong BALIW… hahaha! Talaga namang baliw ‘yang si DJ Mo Twister dahil bakit kailangan niya pang sirain nang husto ang career ng ex-GF niya kung mahal niya talaga ito? Hmp! Nakakawindang!

At bigla namang tinabunan ng isyu nitong awayan nina Nadia at Annabelle Rama at nauwi sa kasong demandahan, nakakaloka, ‘te! Hindi ko kinikeri, haha! Pak!

Kaya naman wish ko lang ngayon taon na itey matapos na ‘yang intrigang ganyan! Maiba naman for 2012!

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong TV host-actress at naging beauty queen din? Naku, ang bilis ko namang magbigay ng clue at talagang given na given na eh, wala pa naman chikka. Ooops…

Heto na nga, nawindang talaga ako nu’ng ichinikka sa akin ito at talagang matagal ko na ring knows itong actress pala na ito ay noong nagpunta siya ng Brunei ay nagpapa-booking pala ito. At take note kung sino ang bugawers niya? Eh, ang kanyang mudrakis or sabihin na lang natin na nanay niya pa ang mismong umeeksena?

Ibig sabihin mo eh, hawak siya ng nanay niya! Naku ha?! Hindi ko kinikeri, ‘te! Kaya pala ganyan na lang ang tingin sa ‘yo ng mga tao. Pak!

KUNG NABITIN kayo sa ating mga chikka ay maaari n’yo kaming subaybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m – 12:00 nn, at tuwing Linggo sa DZRH 666 khz, “Sa Totoong-totoo lang, ‘Yun na!”, 2:30 – 3:30 p.m.  This is your Tita Swarding saying… God bless us all! Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleThe Road, the movie
Next articleA Walk to Remember

No posts to display