Sanya Lopez, mas bet ang non-showbiz boyfriend

HABANG tumatagal ay lalong bumobongga ang karera ni Sanya Lopez. Lalo pa ito gumaganda!

After the success of First Lady ay may follow-up project na ito agad sa kanyang home network at ayon sa mga tsismis ng mga maritess ay hindi raw Kapuso actor ang kanyang makakapareha. May suspetsa na kami, but our lips are sealed!

Sanya Lopez, mas bet ang non-showbiz boyfriend
Sanya Lopez in ‘Hot Maria Clara’

Anyway, kahit na isa sa hottest stars ngayon si Sanya ay nananatili pa rin itong NBSB o ‘No Boyfriend Since Birth’.

Ngayon, naka-focus po ako sa sarili ko. Naging busy din po talaga ako. May mga nanligaw din naman pero hindi pa siguro talaga ako nagbibigay ng time para sa kanila.”

Ayon sa dalaga, magiging unfair lang ito sa magiging nobyo lalo na’t busy ito sa kanyang showbiz commitments, na number one priority niya.

“Once na magka-boyfriend ako, gusto ko may time na ako para sa kaniya,” pagrarason ng aktres na may bagong kanta ngayon na may pamagat na ‘Hot Maria Clara’.

Kung palarin man na siya ay magkadyowa, mas bet niya ang non-showbiz. “Sa panahon ngayon, nakakatakot pumasok sa relasyon na nasa showbiz eh, kaya mas lamang sa akin na non-showbiz siya, pero kung meron na taga-showbiz na manligaw, okay lang din naman.”

Samantala, nagiging viral na ang first dance single niya na ‘Hot Maria Clara‘.

“Ang message nito is kung paano maging empowered ang isang babae at kung paano niya kakayanin ang mga pagsubok hindi lang sa pag-ibig kundi sa buhay rin in general

“Excited and sobrang saya sa bagong opportunity na ibinigay sa akin ng GMA. Iba rin kasi ang feeling kapag recording naman ang gagawin mo. Lalo na sa singing na isa sa mga love kong gawin. Noong first time na marinig ko ang song, nagustuhan ko na ito.”

“Bago mag-recording ay medyo umiwas muna ako sa mga malalamig na drinks. At siyempre nagvo-vocalize every now and then para makondisyon ang boses ko,” sagot ni Sanya nang tanungin ang preparations niya para sa kanyang new single.

Well, Sanya Lopez is really an epitome of a Hot Maria Clara!

 

Previous articleVLOG WATCH: Angel Locsin and husband Neil Arce goes to Madrid, Spain!
Next article5 Things to Do in Seoul, South Korea