Sanya Lopez biglang sumulpot sa movie premiere ng ‘Amalanhig’; Jerico Estregan matinding lumaplap!

ADVERTISING

Sanya Lopez biglang sumulpot sa movie premiere ng ‘Amalanhig’;  Jerico Estregan matinding lumaplap!

Sanya Lopez biglang sumulpot sa movie premiere ng ‘Amalanhig’;  Jerico Estregan matinding lumaplap!
Sanya Lopez and Jerico Estregan

WALA ang beauty ni Sanya Lopez sa presscon ng Amalanhig na pinagbibidahan ni Jerico Estregan kahit siya ang leading lady ng aktor. May balitang hindi siya pinayagan ng GMA Artist Center na umapir sa presscon.

 

Pero sa movie premiere ng pelikula sa Robinsons Galleria noong Tuesday night, umapir ang beauty ni Sanya to show her support sa una niyang pelikula na sinyuting nu’ng panahong hindi pa siya nagkakapangalan.

 

ADVERTISING

Masaya naman si Jerico na finally ay tinutulungan na siya ng leading lady to promote Amalanhig na showing na simula ngayong Miyerkules (Sept. 20). Thankful daw siya sa effort ng dalaga.

 

May kissing scene sina Jerico at Sanya sa Amalanhig na makikita sa last part ng pelikula. First time nila pareho sa ganung eksena pero sa napanood namin, grabe ang kanilang naging laplapan, huh!

Sanya Lopez biglang sumulpot sa movie premiere ng ‘Amalanhig’;  Jerico Estregan matinding lumaplap!
Jerico and Sanya

Anyway, sey ng tatay ni Jerico na si former Laguna Governor ER Ejercito, handa na ang kanyang anak sa showbiz at magbida sa pelikula.

Aniya, “Puwede na siyang pakawalan. Madami na siyang pinagdaanang workshop, eh. Pero yung workshop dapat dire-diretso pa rin.”

Sinang-ayunan naman ito ng binata at sinabing, “Parang walang pinagkaiba iyan sa pag-aaral. Dapat kahit tapos ka na you will never stop studying and learning. Lalo na sa acting, I believe, continuous learning process yan, eh.”

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING