Sandy Talag, okey lang na makilala as kontra-bida

Sandy Talag, okey lang na makilala as kontra-bida

Sandy-TalagHINDI RAW issue sa maituturing na ring award-winning teen actress na si Sandy Talag if kontra-bida roles ang ibibigay sa kanya ng kanyang home studio na Kapuso Network.
Ani Sandy, “Wala nanan pong problema if kontrabida roles ‘yung ibibigay nila sa akin, mas nakatsa-challenge kasi if ganu’ng klaseng role ang gagawin mo.
“Like kay Ate Glaiza (De Castro) na hindi lang magaling umarte mapa-bida, dahil kahit pagkokontra-bida, magaling siya. Kaya ‘yung yapak niya ‘yung gusto kong sundan.
“Ang mahalaga naman po, may trabaho ako. Kaya naman kahit anong project ang ibigay nila sa akin, basta kaya ko, okey lang sa akin.
“Pero of course gusto ko ring magbida if mabibigyan ako ng chance. And if mabibigyan ako ng makapa-partner, gusto ko si Renz (Valerio), kasi nabigyan na kaming magkasama at maganda naman ‘yung naging result. Puwede ring si JM Reyes, since pareho kaming galing sa Starstruck Kids at magkaibigan kami.”
Sa ngayon daw ay may niluluto nang project ang GMA 7 kay Sandy, pero ayaw pa nitong ibigay ang detalye kung ano ang title nito at kung sinu-sino ang kanyang makasasama. Mas maganda raw if sure na sure na ang nasabing proyekto bago niya sabihin.

MAGKAKAROON NG malawakang search ang Viva Records Corporation sa mga good-looking and talented boys ages 14 to 17, ang “Be The Next Pop Idols!”.
Ang kailangan lang gawin ay mag-submit ng video habang kumakanta with minus one or kumakanta while playing an instrument at ipadala sa Viva-Vicor Music, 7th Floor, East Tower, Philippine Stock Exchange Bldg., Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City o e-mail at viva.pop.idol@gmail.com.
Ang screening ng applicants at ang live audition ay magsisimula sa February 2015. Para sa iba pang detalye kaugnay sa live auditions, bumisita lang sa facebook.com/vivarecords.

John’s Point
by John Fontanilla