Sandara Park, pinuri ng netizens sa pagtatanggol sa Pilipinas sa Korean TV show

ADVERTISING

 alt=

PINURI ng netizens ang Korean pop star na si Sandara Park, matapos mag-viral ang kanyang video na ipinagtatanggol ang Pilipinas sa Korea.

ADVERTISING
Sandara Park, pinuri ng netizens sa pagtatanggol sa Pilipinas sa Korean TV show
Sandara Park (courtesy of Instagram: @daraxxi)

Sa nasabing video na mula sa Korean TV show na “Battle Trip”, makikita si Sandara na inilalarawan ang Pilipinas bilang isang ligtas at magandang bansa, kabaligtaran sa imaheng nakikita ng international community.

Sabi ni Sandara, “One of the reasons why I introduce the Philippines to Battle Trip is people always ask me about the Philippines, ‘Isn’t it dangerous? I hear public safety is poor? They always ask me that.”

“It’s just that unfortunate incidents are shown in the news, I wanted to show that, it’s not dangerous at all,” pagtatanggol pa niya.

ADVERTISING

Kasunod niyon, ipinakita ang isang video clip ni Sandara kasama ang isang kaibigang Koreana na naglilibot at namamasyal sa ilang magagandang lugar sa Pilipinas.

https://youtu.be/vbTMAVFaqyY

Unang sumikat si Sandara sa Pilipinas bago pa siya napasama sa sikat na Korean girl group na 2NE1. Naging runner-up ang tinaguriang “Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas” kay Hero Angeles sa “Star Circle Quest” noong 2004, kung saan nag-hit ang kanilang love team at lumikha ng blockbuster movies gaya ng “Bcuz of U” at “Can This Be Love”.

Sumikat din sa bansa si Sandara bilang recording artist at kabilang sa kanyang hit singles ang mga kantang “In Or Out”, “Walang Sabit”, at “Ang Ganda Ko”.

Kailan lang, naging bahagi si Sandara bilang isa sa mga judge sa talent show ng ABS-CBN na “Pinoy Boyband Superstar”, at nagkaroon ng cameo appearance sa blockbuster movie nina Liza Soberano at Enrique Gil na “My Ex & Whys” ng Star Cinema.

ADVERTISING