Sandara Park, nagpa-exclusive party sa celebrity friends sa bansa

Sandara Park, nagpa-exclusive party sa celebrity friends sa bansa

Sandara-ParkNAG-CELEBRATE IN advance ang 2NE1 member na si Sandara Park sa Pilipinas. Dumating ang Korean star sa bansa nang walang kaingay-ingay. Gusto niya kasing makapiling ang celebrity friends niya as she turns 30.

Hindi nag-post si Sandara ng photos kuha sa exclusive party niya pero si Sam Concepcion, shared one photo na kasama si Krung Krung with her guests which included Jasmine Curtis-Smith, Joross Gamboa, Christian Bautista, Sam Milby at Erik Santos.

Hindi man nakunan ng photo ay nakasama rin daw sa party sina Melissa Ricks, RJ Martinez, Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Luis Manzano, Vhong Navarro, Ryan Bang at Robi Domingo. That’s according to one website.

Napuna namin, tuwing merong special occasion ay bumibisita si Sandara sa bansa, pero unlike other celebrities na uhaw sa publicity ay walang kaingay-ingay ang kanyang pagdating, palaging low profile lang siya. And to think na sikat na sikat siya sa Korea, ha?! Sa November 12 pa ang birthday ni Sandara.

Ang inaabangan namin ay ang pagkikita nina Sandara at Hero Angeles. Ilang beses nang nagbalik sa bansa si Sandara pero tila hindi niya feel na makita ang kanyang dating leading man na si Hero. There was never a chance na nagkita sila when Sandy is here. Iniiwasan ba niya si Hero? Me galit pa rin ba siya sa actor?

Teka, nasaan na nga ba si Hero? Sa latest photo na aming nakita ay ang guwapo niya at ang ganda ng katawan. Sana’y maging active uli siya sa TV.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas