Sandara Park at Jay ng iKON, pamaskong handog ang cover ng ‘Dahil Sa’yo’ ni Inigo Pascual

ADVERTISING
Showbiz Blogster

MAY SORPRESA ng K-Pop idols na sina Sandara Park ng 2NE1 at Jay ng iKON para sa kanilang Pinoy fans!

Dahil parehong nanirahan sa Pilipinas noong kanilang kabataan, malapit sa puso ng dalawa ang ating bansa. Isang surprise collaboration mula sa dalawa ang inilabas ngayon ni Sandara Park sa pamamagitan ng kanyang DARA TV channel sa YouTube.

ADVERTISING
Sandara Park at Jay ng iKON, pamaskong handog ang cover ng 'Dahil Sa'yo' ni Inigo Pascual
Sandara Park and Jay of iKON

Parehong talents ng YG Entertainment sina Dara at Jay. With the Christmas Tree as their background and them wearing Christmas-inspired outfits, malakas maka-good vibes ang cover nila ng hit OPM song ni Inigo Pascual na ‘Dahil Sa’Yo’, na kahit ilang taon na ang nagdaan ay love na love pa rin kantahin ng mga Pinoy. Siguradong kapag nag-viral ang cover video nila ay lalong manunumbalik ang interes ng mga tao sa kanta ng binata ni Piolo.

Si Sandara Park ay tinaguriang ‘Pambansang Krung Krung’ ng Pilipinas. Nag-umpisa ito ng kanyang karera sa Philippine showbiz nang manalo bilang first place sa Star Circle Quest. Lumabas ito sa ilang movie and TV projects with Hero Angeles at noong panahon na ‘yun, siya ang isa sa pinakasikat na artista ng ABS-CBN. Nilisan ni Sandara ang bansa noong 2007 at nag-train sa ilalim ng YG Entertainment. Noong 2009 ay bongga ang comeback nito bilang isang K-pop girl band member na 2NE1, na itinuturing na isa sa pinakasikat na girlband of all-time sa Korea.

Si Jay naman ng iKON ay nanirahan sa Davao City noong bata pa siya kaya pamilyar sa kanya ang ilang bisaya at tagalog words. No wonder sisiw lang sa kanya ang pagbigkas at pagkanta ng tagalog lyrics, huh!

ADVERTISING

Panoorin ang ‘Dahil Sa’yo’ Christmas cover nina Sandara Park at Jay for good vibes!

 

ADVERTISING