Sancho Vito, ‘di raw pinulitika ng inang si Ai-Ai delas Alas ang pagkakapasok sa showbiz

Sancho Vito, ‘di raw pinulitika ng inang si Ai-Ai delas Alas ang pagkakapasok sa showbiz

Sancho-VitoHINDI PINULITIKA ni Ai-Ai delas Alas ang pagkapasok ng anak na si Sancho delas Alas sa GMA 7 at sa pagkasali niya sa unang show ng komedyante na Let The Love Begin, na magsisimula na sa May 4, sa muling pagbabalik telebisyon niya.

Pinabulaanan ito ni Sancho dahil dumaan siya sa proseso kasama ng ibang mga hopefuls na mapabilang sa showbiz.

Nag-audition siya para magustuhan at mapili ng GMA Artist Center, kung saan co-manage ang career ng binata ng GMA-AC at ng ina.

“Very supportive si Mommy, pero I admit na hindi maiiwasan na ganu’n ang sasabihin nila na idinaan sa koneksyon ni Mommy ang pagkapasok ko sa showbiz.”

Sa unang salvo ni Sancho sa showbiz, he plays a janitor sa radio station na pinagtatrabahuan ni Ai-Ai who plays Jeni aka DJ Bebe-Yonce sa romcom serye ng GMA pagkatapos ng Pari Koy.

Reyted K
By RK VillaCorta