Sam Pinto, tuloy na sa Siyete?!

ADVERTISING

Sam Pinto, tuloy na sa Siyete?!

Sam Pinto, tuloy na sa Siyete?!KUMPIRMADONG ANG MAGANDANG baguhan na si Sam Pinto ang leading lady ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Agimat Ni Enteng, ang unang movie ni Bong kasama si Vic Sotto, na pang-MMFFP ngayong Pasko, from GMA Films na kasosyo rin siyempre ang Imus Productions ni Bong at M-Zet Films ni Vic.

ADVERTISING

Bonggang-bongga si Sam, ‘di ba naman? Ke bagu-bago eh leading lady agad ni Bong, huh! Tinalbugan nito ang ibang naunang mag-artista sa kanyang nangangarap na maging leading lady ng action superstar at senador.

Ito ang kinumpirma ng manager ni Sam na si Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency na siya ring management company nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Carlo Aquino, etc.

Pero kung lilipat na si Sam sa GMA-7 from ABS-CBN 2, “We did not sign yet” ang reply ni Veronique, although last week pa maugong ang chika na pinaplantsa na ang lahat sa pagpirma nito ng kontrata sa Kapuso Network.

ADVERTISING

Matatandaang si Sam Pinto ay unang nakilala ng publiko nang pumasok bilang housemate sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Pretty kung pretty si Sam Pinto kaya marami siyang “binulabog” sa Dos – lalaki man o babae. Ang mga “hombre” roon ay nabighani sa beauty niya, samantalang tila may ilang na-insecure na mga “bilat”. Na-cover pa nga siya sa isang men’s magazine kahit bago pa lang ito.

Remember na na-link pa ito kay Gerald Anderson na “ikinalokah” ng solid Gerald-Kim Chiu fans na ang iba’y nag-e-mail blast sa blogs, saying not-so-good things about Sam.

Ngayong papasok na sa GMA si Sam, mukhang makahihinga na nang maluwag ang Kimerald fans worldwide, dahil wala nang “hadlang” sa kanilang fave loveteam sa Kapamilya network. Talbog. Hahaha.

Nandiyan pa naman ang isang “Sam” sa Dos – si Sam Milby. Hehe. Mukhang may naghihintay ring future for Sam Pinto sa Siyete dahil totoo namang kulang rin sila ng pretty contract artists na puwede nilang i-build up to full stardom.

Nandiyan naman ang Viva Films na puwedeng sumugal for Sam in the movies soon. Maganda rin ang tandem ngayon ng Viva at GMA Films dahil patok sa takilya ang In Your Eyes nina Claudine Barretto, Richard Gutierrez, and Anne Curtis na muling nagpamalas ng improvement sa acting department.

KATUWA ITONG SI Carl Guevarra na alaga ni Perry Lansigan dahil willing naman daw itong mag-trunks o briefs sa pictorial niya sa Cosmopolitan 69 Bachelors, ang supplement ng Cosmopolitan Magazine.

Kaso, boxer shorts lang ang pinasuot sa kanya, kaya ‘yun ang outfit ng guwapong bagets sa annual magazine na taun-taon eh, usap-usapan ng mga bading sa buong bansa, lalo na sa showbiz.

“Wala ka kasi roon, Kuya Mell, eh! Sana sinadyest mo!” tawa ni Carl na walang kiyemeng maghubad dahil may ipapagmalaki naman – sa katawan man o “bukol”, hahaha.

Hindi na bago kay Carl ang mag-underwear o trunks sa ramp dahil noong Be Bench model search pa lang (kung saan siya nagwagi), eh naka-briefs na siyang rumampa, at sa Bench underwear fashion uli last July sa Araneta Coliseum eh, brief kung brief uli ang suot niya, huh!

Kaya nu’ng lumabas ang Cosmo mag, eh maraming bading ang “nabitin” sa suot na maluwag pang boxer shorts ng potah. Hahaha.

Inaabangan ng mga “kafatid” sa panulat kung sinu-sino ang mga celebrities na malalagay sa hot, sexy centerfolds nito.  And isa nga rito si Carl na ang daming nagulat sa ganda ng katawan nito, na kung hindi n’yo pa alam eh, isang “obese” noong hindi pa siya artista, as in weighing more than 200 pounds!

Rarampa si Carl sa Cosmo 69 Bachelors sa September 9 sa World Trade Center at willing ito magbuyangyang ng katawan dahil pinaghirapan niya ang pagdyi-gym for ilang taon na ngayon, at proud itong hindi produkto ng steroids ang hunky built niya ngayon.

Ang iba pang rarampa at “magpapa-init” ng wild girls (and gays) sa Cosmo bash ay sina Sam Milby, Christian Bautista, Joross Gamboa, Fabio Ide, Tom Rodriguez, Rocco Nacino, Matteo Guidicelli, etc.

Kahapon, September 2 ay nag-21 years old na si Carl, debut ng lalaki, at nagkaroon ng party with friends. Happy ang Be Bench winner dahil alaga siya ng Siyete at PPL Entertainment ni Perry.

Nasa Jejemom siya (bida si Eugene Domingo) at Bantatay, new comedy series with Gelli de Belen, Raymart Santiago, at Jennica Garcia, na ang sabi’y papalit sa timeslot ng Langit Sa Piling Mo.

Follow us on Twitter at www.twitter/com/mellnavarro.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING