Sam Pinto, the next Marian Rivera?!

Sam Pinto, the next Marian Rivera?!

Sam Pinto, the next Marian Rivera?!THANKFUL SI SAM Pinto sa pagkakahirang sa kanya bilang FHM’s Sexiest Woman para sa taong ito. Malaki raw ang naitulong nito para sa kanyang career dahil sa ngayon ay dagsa raw ang alok na trabaho sa kanya.

“Sobrang busy po,” aniya nang makausap namin sa presscon ng Tween Academy. “As in… I have work everyday. Grabe!

“May new show po ako. It’s a sitcom. Hindi pa kami nag-i-story conference kaya wala pa akong masabing   details.   Pero may  taping days na siya.”

Sino’ng mga makakasama niya sa nasabing sitcom?

“Alam ko si Fabio (Ide). ‘Yong iba sa cast, hindi pa sinasabi sa akin.”

Napahalakhak si Sam nang biruin namin na mas naging kapantapantasya ang dating niya sa paningin ng mga kalalakihan ngayon. At dahil diyan, kakayanin ba ng powers niyang panindigan na ang pagiging sexiest woman sa bansa in terms of portraying roles?

“Maybe not. Because… para iba naman. Ah… hindi naman ma-stereo type na always na lang sexy, always naka-two piece. Para iba naman. Para may versati-lity ‘yong pagka-artista ko. I’ll just maintain what I’m doing now. Hanggang two piece lang po.”

Next to Marian Rivera, marami ang naniniwalang she could be GMA 7’s next important Kapuso female star. Flattered naman daw siya sa ganitong tingin sa kanya ng iba.

“I hope so. I really hope so. I’ll be super excited kapag nangyari ‘yon. Grabe!”

Hindi itinatanggi ni Sam, marami raw siyang manliligaw ngayon. May taga-showbiz, me-ron hindi. Pero hindi raw niya ma-entertain ang mga ito.

“I don’t have time,” napabu-ngisngis niyang sagot. “For me personally, parang ayoko pa rin now, e. Before nagka-boyfriend na ako. I had four already. Ha-ha-ha! Pero before showbiz pa lahat ‘yon. Happy naman ako kahit walang lovelife. Ang tawag ko nga sa work ko ngayon, boyfriend ko, e. Ha-ha-ha! Kasi sa work ako in love ngayon.”

Meron pa ba siyang ibang pelikula?

“Ah… yeah! I’m doing a movie with Cesar Montano. It’s called Hitman. Nag-workshop na kami. Ang ganda ng istorya.  Grabe. It’s very different from the normal Filipino movies that you see. Kasi may action, may love story… pero mostly, action. Ang ganda! I play the role of a very rich girl na Dad ko ang mayaman. Pero his money, dirty money… blood money. So parang I stayed away from him. And then I met Cesar.”

Hindi kaya ma-link sila at pagselosan siya ng asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz?

“Ang ganda-ganda ni Sunshine, bakit pa siya magsiselos?”

Eh, maganda rin siya, huh! FHM’s sexiest woman nga, ‘di ba?

“Hindi. At least siya (Sunshine), asawa siya.”

‘Yun na!

BLIND ITEM: KAPANSIN-PANSIN na higit pang lumulobo ngayon ang katawan ng dati nang malusog na kilalang female TV personality. Kuwento ng ilan sa mga staff ng department kung saan may mataas siyang posisyon, habang tumatagal ay mas lalo raw kasing nagi-ging maganang kumain ang female TV personality na ito.

There was a time pa nga raw na narinig ng mga staff na tumawag ito sa telepono para magpa-deliver ng pagkain. Mega-order daw ito ng isang bilaong pansit at isang box na ensaymada.

Na-excite daw ang mga staff na ang akala, magpapameryenda sa kanila ang malusog na female TV personality. Laking gulat daw nila ng pagdating ng inorder na pagkain, sinabi nito sa delivery na ipasok iyon sa kanyang office.

Naloka ang mga staff! Ang malusog na female TV persona-lity lang pala ang kakain lahat ng inorder na ‘yon.

Ganyan!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan