Sam Pinto snubs fans

ADVERTISING

 

 Sam Pinto snubs fans

ADVERTISING

 Sam Pinto snubs fans  OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Maloloka ka talaga sa Earth, dahil bakit kaya lumaki agad ang ulo nitong isang aktres na ito na talaga namang wala pang napapatunayan?

Heto na nga at pangalanan na natin si Sam Pinto. Tinatanong ko sa mga kaparazzi natin kung bakit nga kaya lumaki ang ulo nito. Ang isa pang chikka, nagmamaldita ito sa mga fans niya.

Napatunayan ko rin ito, dahil nakita rin ng aking mga mata, nang makita ko ito kasama ng mga kaibigan niya ay akala mo talaga kung sino itong sikat. Ang mga kasama niya naman ay talagang namamansin, at talagang lumalapit pa. Samantalang ang lola mo, akala mo kung sino na talagang sikat.

ADVERTISING

Talagang masasabi mo na maganda siya at may ibubuga pagdating sa hitsura. Kaya lang, talagang ang masasabi ko ay wala pa naman siyang napapatunayan kaya huwag siyang magmaldita. At kahit saan siya magpunta ay ganu’n na talaga ang ugali niya. Naku, attitude problem pala itong lola mo!

Kung ako sa kanya, iiwasan ko talagang maging ganu’n. Kasi baka tuluyan nang mawala ang career ko, haha! ‘Di ba? Kaya kung ako sa ‘yo, magbabago na ‘ko para hindi magsara ang pinto para sa ‘yo. Pak!!!

 

AT HETO NAMAN ang nakawiwindang na isyu na talaga namang kumakalat ngayon at pinagbubulungan noon. Lantaran na raw talaga kapag nakikipag-date ang asawa ni Sen. Chiz Escudero na si Christine Flores sa dancer na si Jason Zamora. Naku, nakawiwindang, ‘di ba?

May balita nga raw na may nakakita sa dalawa na nagsi-shopping sa isang mall, na talaga namang hindi nila maide-deny, dahil buong detalye, tsinika sa atin.

Ang suot daw ng dalawa, naka-khaki shorts itong babae at naka-fatigue naman itong lalaki. At last Saturday nga, sa interview naman sa kapatid ni Jason na si Joshua Zamora, sinabi nitong nabalitaan nga niya ang isyu tungkol sa dalawa, pero hindi nga masasagot dahil delikado. Nakawiwindang, ‘di ba?

Ang masasabi ko naman dito, p’wedeng hindi… p’wedeng oo, dahil alam ko nga na itong si Christine Flores ay naging dancer din dati. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman ang aktor na ‘to na talaga namang napapabalitang bading?

At ang sabi ko nga, kung bading nga ito, mukhang wala na yatang lalaki sa mundo. At ito namang isang hunk actor naman na napapabalita ring bading, na talaga namang malalaglag ang undies mo ‘pag nakita mo ito, at napapabalitang hiwalay na sila ng dyowa nito.

Heto na ang chikka, ang aktor at hunk actor na raw ang mag-dyowa, at may nakakakitang nagde-date na ang dalawa. Pak! Ay, nakakalurki! ‘Di ba?

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING