Sam Pinto, overthrown Marian Rivera in FHM sexiest poll!

ADVERTISING

Sam Pinto, overthrown Marian Rivera in FHM sexiest poll!

Sam Pinto, overthrown Marian Rivera in FHM sexiest poll!KUNG SI MARIAN Rivera ang nangunguna sa poll ng FHM 100 Sexiest Women noong mga nakaraang Linggo, mukhang kailangan nang maghanda ng Kapuso Primetime Queen dahil isa ring Kapuso ang maaaring magpatalsik sa kanya sa puwesto. Ito ay ang dating PBBDU graduate na si Sam Pinto, na gino-groom ngayon ng GMA-7 bilang aktres.

ADVERTISING

Masaya naman ang mga fans ni Sam Pinto dahil baguhan pa kung maituturing ang dalaga. Malaki ang naitulong ng kanyang endorsement para sa isang liquior brand at ang pictorial niya last year para sa nasabing magazine.

Naku, she’s giving Marian SAM headache, huh?!

 

ADVERTISING

ANGELICA PANGANIBAN, PINAIYAK NI ANGEL LOCSIN!

Isa ang sexy actress na si Ange-lica Panganiban sa mga artistang naiyak sa effective performance ni Angel Locsin bilang Mercedes sa In The Name of Love. Sa kanyang Twitter account, buong ligayang hinayag ng award-winning Kapamilya star ang kanyang paghanga sa kaibigan. Nasabi pa nga nito na ang tunay na ‘End of the World’ ay kapag nagsama na sina Angel Locsin at Bea Alonzo sa isang pelikula.

Ang Miss You Like Crazy nina John Lloyd at Bea ang huling Filipino film na nagpaiyak kay Angelica. Nakatakdang gawin nina Angel at Bea ang Maalaala Mo Kaya The Movie. Marami naman ang natuwa sa Tweet ni Angelica, na matagal ding hindi ginalaw ang kanyang Twitter account. Hirit pa nga ng iba, mas bongga kung pati si Angelica, na kilala ngayon sa larangan ng komedya ay makasali rin sa MMK movie version.

Bakit nga ba naman hindi? Mas winner ‘yun! PAK!

 

BIANCA KING, PINALITAN SI IZA CALZADO SA  SENTENSYADA!

Out na nga bilang leading lady ni Dennis Trillo si Iza Calzado sa upcoming afternoon series ng Siyete na Sentensyada. Noong una, ang balita ay para kay Jennylyn Mercado raw dapat ang project. Dahil sa break-up nila ni Dennis, Kay Iza Calzado ipinasa ang palabas. Dahil sa kanyang busy schedule, tinanggihan din ni Iza ang nasabing proyekto.

Ang Kapuso favorite villain na si Bianca King ang masuwerteng nakakuha ng lead role na ito. Masaya ang aktres na ibalita sa kanyang Twitter followers ang pagkakapili sa kanya para sa Sentensyada. Ipinarating din naman ni Iza sa kanya kung gaano ito kasaya sa pagkaka-pili kay Bianca dahil matagal-tagal na rin itong loyal sa Kapuso Network. Congrats Bianca!

 

SOAP OPERA NI MELISSA RICKS, TULUYAN NANG NAWALA?!

Biruan ngayon sa isang social networking site ang biglaang pagkawala ng promo teasers ng Dos para sa teleseryeng ‘Nasaan ka, Elisa?’, na pinagbibidahan ni Melissa Ricks. Maganda ang konsepto ng nasabing palabas base sa unang teasers na lumabas. Dapat nga ay nakatakda na itong ipalabas sa Hapontastic block ng ABS-CBN, ngunit biglang nanahimik ang promotion para rito.

Tanong pa nga ng ilan, Nasaan na ang Nasaan ka, Elisa? Tuluyan na nga bang na-shelved ang proyekto, o naghahanap lang sila ng tamang time slot para rito? Sayang naman kung mapupunta lang ito sa wala. Hmp!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING