Sam Pinto, nanghihinayang sa naudlot na relasyon nila ni Alden Richards?

Sam Pinto, nanghihinayang sa naudlot na relasyon nila ni Alden Richards?

Sam-PintoINAMIN NI Sam Pinto na naging close sila ni Alden Richards noon at umabot pa raw na nag-date sila pero hindi raw nag-prosper, dahil noon daw ay masyadong bata pa sa kanya si Alden.

Sobrang bait nga raw nito at talaga namang guwapo, pero masyado pa nga raw itong bata sa kanya.

Masaya si Sam sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Alden at kung magkakaroon daw ng pagkakataong magkita sila ay personal niya itong babatiin.

Hanggang ngayon ay loveless pa rin daw si Sam at kung magkakaroon daw siya ng boyfriend ay mas gusto niya na hindi taga-showbiz para iwas-intriga. Pero malayo pa rin daw sa isip niya na magkaroon ng boyfriend.

“Masaya naman ako ngayon kahit loveless. Nandiyan naman ang mga kaibigan at kabarkada ko sa Bubble Gang na laging handa kapag may dumating akong problema. Pero as of now ay wala pa naman problemang dumarating (sabay knock on wood).

“Ang pag-ibig naman ay hindi hinahanap dahil dumarating ‘yan na hindi mo inaasahan, ‘di ba?” aniya.

Samantala, nilinaw rin ni Sam na walang nangyayaring inggitan sa kanila sa Bubble Gang ng mga kasamang actress na sina Andrea Torres, Max Collins, Rufa Mae Quinto, Jackie Rice, at iba pang sexy actress.

Isang pamilya ang turingan nila sa Bubble Gang na longest-running gag show na napapanood every Friday sa GMA 7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo