Sam Milby, tuloy na sa panliligaw kay Jennylyn Mercado

Sam Milby, tuloy na sa panliligaw kay Jennylyn Mercado

Jennylyn-Mercado-Sam-Milby“JENNYLYN IS every guy’s dream. Sa totoo kasi, she’s outgoing, she’s sporty, ako, that’s my type talaga,” pagde-describe ni Sam Milby kay Jennylyn Mercado nang tanungin ng press kung bakit crush niya ang leading lady sa pelikulang PreNup na palabas na sa Oct. 14.

“I really love girls na very outgoing, especially ‘yung mga sports na gusto ko, MMA (mixed martial arts), ‘di ba? Astig talaga ‘yung babaeng nagma-martial arts, napakabait pa,” patuloy pa niya.

Ngayong tapos na ang syuting ng PreNup, wala na raw dahilan para hindi niya i-pursue si Jennylyn.

“Tapos na ang shooting namin together, so, tapos na. P’wede na. P’wede na ngayon, kasi tapos na,” pahayag pa ni Sam.

Nagbigay naman agad ng reaksyon dito ang aktres.

“Teka, nawala ako sa sarili, eh,” natatawa niyang pahayag. “Nagulat ako kay Sam. Kasi, sabi ko, dapat sa Viber na lang.”

Posible ba siyang ma-in love kay Sam?

“Si Sam naman, Diyos ko naman, napakabait, gentleman, saka wala akong masasabi. Kumbaga, p’wede. Paano ko ba ie-explain? P’wede,” sagot pa niya.

La Boka
by Leo Bukas