Sam Milby, tuloy na sa kanyang hollywood dream!

ADVERTISING

Sam Milby, tuloy na sa kanyang hollywood dream!

Sam Milby, tuloy na sa kanyang hollywood dream!TINGNAN MO NGA naman ang buhay. Hanggang ngayon, hindi namin maimadyin na ‘yung namuno sa bayan ng ‘Pinas for almost 10 years, ngayon ay parang “napakamiserable” ng buhay.

Parang nabalewala ang kanyang leadership at ngayon, nagra-rally ang mga tao sa harap ng Supreme Court para ‘wag bigyan ng VIP treatment si dating pangulong Gloria Arroyo ngayong siya’y pormal nang sinampahan ng kasong Electoral Sabotage at kung anu-ano pa.

Kinuhanan na siya ng mug shots at finger prints na normal na proseso sa isang akusado, mereseng hindi pa ito napapatunayang nagkasala.

Juice ko, para lang talagang gulong ang buhay. Siya dati ang nagpakulong kay dating pangulong Estrada kasama ang anak nitong si Sen. Jinggoy Estrada. Ngayon, baligtad na ang nangyari.

ADVERTISING

Isa lang ang ibig sabihin nito, hangga’t kaya mong magpakabuti, gawin mo, ‘wag kang gagawa ng masama, ‘wag magiging sakim sa yaman at sa kapangyarihan.

Dahil maaaring hindi ka ngayon “singilin,” pero darating ang panahong babawiin sa ‘yo ‘yan. Promise. Nako, ako pa raw ang nag-promise, o!

 

“SA TV LANG si ‘Budoy,’ sa movies, ‘yung regular boy na!” Katwiran ni Gerald Anderson nang itanong namin sa kanya ‘yung impression ng mga tao (kasama na kami) na habang pinanonood ang trailer ng “Won’t Last A Day Without You” ay hindi pa rin maka-get over ang karamihan sa Budoy character niya.

Sana nga, magkaroon kami ng pagkakataong mapanood ang naturang pelikula para masagot na rin namin ang aming pakiramdam kung si Budoy nga ang pinanonood namin.

Pero nu’ng nag-guest sina Gerald at Sarah Geronimo sa “E-Live” nu’ng Saturday, biglang napuno ng audience ang studio, dahil lahat ng AshRald fans ay naroroon para suportahan ang dalawa.

Nakausap din namin ang director na si Raz dela Torre at sinabi nitong first time niyang magdirek. Writer pa lang daw siya dati sa “Catch Me I’m In Love,” tapos ay nag-masters siya at gumawa ng documentaries at heto na nga, binigyan siya ng break ng Star Cinema.

Ni hindi rin siya nag-assistant director nu’ng araw, “Pero nagmamasid-masid naman ako sa shooting.”

Kaya makikibalita kami kung bongga ang movie, ha? ‘Pag bongga, watch talaga kami, promise.

Napa-promise na naman daw kami, o!

 

‘ETO NA ANG tsikang nasagap namin. Na tuluy-tuloy na sa kanyang Hollywood career si Sam Milby at noon pa nito pala pangarap ang mapasama sa Hollywood movie.

Kaya nga ginib-up niya ang “Alta” with Gretchen Barretto and Angelica Panganiban, eh. At ang balita nga namin, ang hahawak kay Sam bilang kanyang agent ay ang manager/agent ni Toby Maguire.

True ba ‘to?

 

Wag n’yong kakalimutang makipagtsikahan sa amin at mapanood kami live sa www.facebook.com/vibestayo everyday, 4-5.30pm with Rommel Placente.

Paki-like na rin ang aming fanpage at p’wede n’yo rin kaming sundan sa twitter (@ogiediaz).

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING