Sam Milby, tanggap na ng fans ang lovelife

ADVERTISING

Sam Milby, tanggap na ng fans ang lovelife

Sam Milby
Sam Milby

Ayon kay Sam Milby, wala siyang nakikitang violent reactions sa social media mula nu’ng aminin niyang meron na siyang karelasyon at girlfriend na niya ang Pinay-British model na si Mari Jasmine.

“I think they have (accepted) and I’m really really happy about that. I think, siguro kung sinabi ko dati nu’ng 2010, 2011 or 2012 na may girlfriend na ako, hindi nila matatanggap.

“Kasi kahit papaano, malakas talaga ‘yung love team namin ni Anne (Curtis). The fans are very hopeful. Kahit alam nila na may relationship na si Anne, they are still hoping na magkabalikan kami and I don’t think. nu’ng time na ‘yon, kung sinabi ko na may girlfriend ako hindi nila matatanggap,” katuwiran ni Sam na isa sa leading man ni Julia Montes sa afternoon series ng Dos na “Doble Kara”.

Sabi pa ni Sam, wala na raw siya sa level na luma-love team pa kaya hindi na ganu’n ka-possessive ang kanyang fans.

ADVERTISING

“I’m not there anymore. I’m not at that point na parang… kumbaga, I’m in a different stage na pagdating sa career ko,” paliwanag pa niya.

Bukod nga pala sa “Doble Kara”, ginagawa rin ni Sam ang pelikulang “The Third Party” kasama si Angel Locsin. Kasama rin siya sa pelikulang “Camp Sawi” na showing pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING