Sam Milby, sobrang saya na isang taon na ang teleserye

ADVERTISING

Sam Milby, sobrang saya na isang taon na ang teleserye

Sam Milby
Sam Milby

Super happy si Sam Milby dahil inabot na ng one year ang “Doble Kara” ni Julia Montes.

ADVERTISING

“Siyempre first time na nagkasama kami ni Julia. No’ng nalaman ko ‘yung character ko… Ang maganda kasi  galing ako sa “‘Wag Ka Lang Mawawala” which is a gray character na kontrabida. Ito, baliktad, ‘yung parang baka maging pari ako, mabait. It’s something different sa character na ginawa ko nu’ng last teleserye ko. After “‘Wag Ka Lang Mawawala” ay nag-“Dyesebel” ako,” say niya.

Puro papuri rin siya kay Julia.

“To work with Julie for the first time also, I mean you could see before her talent sa acting. She’s very good at what she does. Parang sobrang successful na ‘yun show when I got in so parang napakasuwerte ko naman na na-offer sa akin ‘yung role. It’s a honor para sa akin na napasama ako sa teleserye na ito.”

ADVERTISING

Na-extend nang na-extend ang role ni Sam Milby sa soap.

“Originally, dapat natapos na ‘yung soap nu’ng April. I think noong pumasok ako, ‘yun ang book two para sa amin, pero sa viewers it’s April. Napakasuwerte ko dahil this whole year ay bising-busy ako.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING