Sam Milby, okay lang makasama sa pelikula nila ni Anne Curtis si Toni Gonzaga

ADVERTISING

Sam Milby, okay lang makasama  sa pelikula nila ni Anne Curtis si Toni GonzagaKALALAPAG LANG NI Sam Milby kahapon ng madaling-araw sa NAIA Terminal 1 mula sa kanyang bakasyon sa Ohio. Iba ang aura ni Sam at kitang-kita talagang nakapagpahinga siya. Walang masyadong dala si Sam at tanging ang kanyang mga damit lang at ilang bagahe ang dala nito.

Sa aming pakikipagkuwentuhan kay Sam, ibinahagi nito ang kanyang excitement sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya. 2004 pa pala nang huling nakasama ni Sam ang kanyang pamilya at ngayon lang ulit nakumpleto ito sa pagpunta niya ng States.

ADVERTISING

“Halos kumpleto naman kami, except for my stepbrother na hindi nakarating. Pero sobrang ang saya lang ng pakiramdam kasi matagal na akong hindi nakakapag-spend ng Christmas with them,” pahayag ng aktor.

Nag-enjoy talaga siya sa kulang-kulang na dalawang linggong bakasyon at walang trabaho. “Dati kasi ‘pag magpa-plan ako ng Christmas vacation sa US biglang may darating na work so this time I made sure na wala.”

Hindi naman daw nakalimutan ni Sam na batiin ang kanyang mga kaibigan nu’ng mismong araw ng Pasko at Bagong Taon, lalo na siyempre si Anne Curtis.

ADVERTISING

“There were text messages lang. I greeted her nu’ng Christmas and New Year.”

Tinanong namin kung ano naman ang laman ng text messages na iyon at ang sagot niya, “Wala naman… ‘yung normal lang na greetings ‘pag Pasko and New Year.”

May pasalubong din si Sam para kay Anne pero hindi na ito nagbigay ng specific details at ang tanging nasabi lang niya ay, “Basta ibibigay ko ito sa kanya and sana ay magustuhan niya.”

Hindi man siya nagkakaroon ng pagkakataong makapanood ng Showtime, tinanong namin kay Sam kung ano ang reaksiyon nito sa kamakailang nangyaring birthday celebration ni Vhong sa show, kung saan nagsama sa isang stage sina Anne at Toni Gonzaga. Napabalita noon na nagka-rift ang dalawa dahil kay Sam at doon daw nagsimula ang pag-iiwasan ng dalawang TV hosts.

“Whatever ilingan they had in the past, I think wala na ‘yun ngayon. Matagal na siya and I think they’re okay,” komento ni Sam.

Wala rin daw kaso kay Sam kung mabibigyan ng cameo role o isasama sa kanilang pelikula ni Anne si Toni Gonzaga. Nakuha na ni Anne ang kanyang kopya ng script at si Sam ay nakakuha na rin ng kopya. Malapit na rin daw nilang simulan ang shooting ng pelikula kaya ngayon palang ay puspusan na ang kanilang paghahanda.

Balik-trabaho na nga agad ngayon si Sam at bahagi ng kanyang New Year’s resolution ay maipagpatuloy ang pag-improve ng kanyang acting career at ilan dito ang exciting projects na gagawin niya tulad ng movie nila ni Anne Curtis at ang Precious Hearts Romances episodes nila ni Maja Salvador. Minsan nang na-link si Sam kay Maja pero nilinaw ng binatang aktor na never pa silang lumabas ni Maja at itong project nila sa Precious Hearts ang unang pagkakataong magkakasama sila.

Yun na!

ADVERTISING