Sam Milby, nagpa-sexy sa kanyang concert

ADVERTISING

Sam Milby, nagpa-sexy sa kanyang concert

Sam-MilbyI HAD the chance to witness Sam Milby’s 10th year anniversary concert at the KIA Theater in Cubao last Saturday.

Kasama si Jobert Sucaldito and Richard Pinlac, nag-enjoy kami sa very sexy show ni Sam na naghubad ng kanyang shirt para ipakita ang kanyang abs on stage na isa sa mga eksena na hinihintay ng manonood.

Very sexy si Sam na always ay may ready smile na naka-capture ng video camera na naka-flash sa tatlong malalaking screen sa loob ng show venue.

After hearing Sam performed a solo number sa kanyang interpretasyon ng kanta ni Alanis Morisette at ng duet nila ni KZ Tandingan, aprub sa amin para tawagin siya as “The New Lite Rock Prince” na suwabeng-suwabe na naitawid niya ang mga magagandang songs ng mga kilalang “rockers”.

ADVERTISING

Tilian ang mga fans ni Sam at Anne Curtis (dating magkarelasyon ang dalawa) nang mag-duet na sila.

Bongga rin ang performance ng binata together with Angeline Quinto and Kyla. Both biritera are good singers, pero nadismaya kami sa suot ni Angeline na tila hinalukay ng stylist ng show niya sa mga previous na nagamit ng kung sino mang celebrity. In short, from the baul collection ng designer or stylist ang suot ni Angeline.

Kyla was at her best. Like namin ng kaibigang Manny Valera of Regal Films (who was with Mother Lilly earlier) na katabi ko sa upuan ang outfit ni Kyla.

Pasabog din ang performance nina Sam at Piolo Pascual na kahit anong anggulo mo kunan ng picture si Papa P., the best shot pa rin ang magka-capture ng camera mo.

As a whole, I enjoyed the show na sa early part ay tila dismayado kami at gusto nang mag-walk-out (medyo laylay ang show sa unang part), pero nang makapag-warm up na si Sam, tuluy-tuloy na ang hataw niya.

Hindi man singer na singer ang peg niya tulad ng ini-expect ko, oks na rin si Sam kaya nga tawag ko ngayon sa binata, siya ngayon ang “Lite Rock Prince”.

Sa concert, dun ko rin lang nalaman, si Sam pala hilig maging DJ at higit sa lahat, ugali pala niyang itapat ang kanyang butt sa isang kaibigan bago siya mag-fart (utot).

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING