Sam Milby, nag-enjoy sa sweet moments nila ni Zanjoe Marudo

ADVERTISING

Sam Milby, nag-enjoy sa sweet moments nila ni Zanjoe Marudo

Sam Milby (Photo by Fernan Sucalit)
Sam Milby (Photo by Fernan Sucalit)

Parehong bisexual ang role nina Sam Milby at Zanjoe Marudo sa pelikulang “The Third Party” na pinagbibidahan din ni Angel Locsin. May mga sweet moments ang dalawa sa pelikula dahil magdyowa sila.

 Ayon kay Sam, hindi siya nagkaroon ng hesitation sa kanyang role.

“Walang hesitation. I was excited kasi as an actor, you’re always looking for something different, a different role to challenge yourself,” sabi pa niya.

Fist gay role ito ni Sam. Pero dahil light comedy ang pelikula, hindi raw siya masyadong nahirapan dito.

ADVERTISING

“Parang hindi ko ma-imagine na gawin ‘yung mga movies na parang ‘Brokeback Mountain’, ‘yung parang sobrang seryoso na heavy drama,” ayon pa sa binata.

Regarding sa kanilang sweet moments ni Zanjoe, nag-enjoy raw naman siya dito.

“The first few scenes na may sweet scenes kami, parang awkward, pero naging ano, na-enjoy namin, pinagtawanan lang namin,” komento ni Sam.

Showing na sa October 12 ang “The Third Party” under the direction of Jason Paul Laxamana.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING