Sam Milby, may pagka-torpe

ADVERTISING

Sam Milby, may pagka-torpe

Sam-MilbySA GUWAPO ni Sam Milby, sino ang hindi mai-in love? May pagka-torpe nga lang si Sam na kadalasan, nahihiya siyang manligaw. Kaya nga nang magkasama sila ni Jennylyn Mercado sa shooting ng pelikulang PreNup sa New York City na produced ng Regal Films, hindi maiiwasan na mahulog ang loob ni Sam kay Jen.

ADVERTISING

Mukhang may chemistry ang dalawa. Si Jen, cowboy na kayang kantiyawan si Sam na sobhrang mahiyain, na ang basa ko naman ay sobra ang pagkatorpe. Pero kuwento ni Sam sa media kamakailan, sa ilang araw nilang pagsasama sa NYC, nahulog ang loob ng binata sa aktres. “If given a chance, I would go for Jen,” wika niya.

Si Jennylyn daw ang babae na gusto niya mapangasawa. Ang traits ng aktres ang gusto niya sa babae na gusto niyang pakasalan. Malaking tulong ang halos mahigit 10 days na pagsasama nila sa New York habang sini-shoot nila ang The Ultimate Romantic-Kilig Movie of the Year na ipalalabas na sa October 1 sa direksyon ng award-winning director na si Jun Lana.

Ang naaalala ni Jen kay Sam during their shoot sa NYC, “Maalaga siya. Lagi niya akong tinatanong kung ano ang gusto kong kainin. Palagi siyang may dalang food sa set,” kuwento pa ng aktres.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING