Sam Milby, may pag-asa kay Jennylyn Mercado?

Sam Milby, may pag-asa kay Jennylyn Mercado?

Sam-Milby-Jennlyn-MercadoTRUE KAYA ang nararamdam ni Sam Milby kung after ng promo ng pelikulang PreNup ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nila ni Jennyly Mercado na palabas na sa Wednesday, October 14, ay tuloy pa rin ang pagka-in love ng binata sa dalaga? Ibig sabihin nito ay love na talaga ang nararamdaman niya kay Jennylyn at hindi infatuation lang.

Sinabi kasi ni Sam na he likes Jennylyn at ang tipo ng aktres ang babaeng gusto niyang pakasalan. But with Sam’s character na may pagka-torpe at mahiyain, kwidaw kung keri niyang manligaw nang diretsahan without the help of the media na magpauna ng feelngs niya towards Jennylyn, thru the media’s interview sa binata.

Ang aktres kasi, nagulat nang sabihin ng media in an interview kamakailan na type siya ni Sam. Napanganga si Jen nang diretsahan naming sinabi na siya ang tipo ng babae na gustong pakasalan ng leading man niya ‘pag nagkataon. Napailing na lang ang aktres pero may matamis na ngiti na naiwanan sa kanyang labi na ibig sabihin nito, tila oks sa kanya ang statement ng guwapong si Sam.

Kuwento ni Jen, sa New York City during their shooting ng pelikula ni Direk Jun Lana sila mas lalong naging close. “For almost 10 days, kasama ko siya. Very gentleman si Sam. Lagi niyang tinatanong sa akin kung ano ang gusto kong kainin. Lagi ‘yang may baon sa shooting na food.”

Sabi pa ni Jen, mabait daw si Sam. Tila may future siya sa binata. ‘Yun nga lang, package deal dapat na kahit sinong lalaki ang magmamahal sa kanya, dapat pati ang anak niya ay kasama.

“I like his son and that will not be a problem,” sabi ni Sam.

Kung sa bagay, saan ba nagsisimula ang isang bonggang relasyon kundi sa isang simpleng “Hi” and “Hello” na susundan ng isang matamis na ngiti, at ang linyang “Can I give you a call? I want you to be my friend…” Ayos!

Reyted K
By RK VillaCorta