Sam Milby & KC Concepcion: Forever Starts Today!

ADVERTISING

Sam Milby & KC Concepcion: Forever Starts Today!KC CONCEPCION

Real Name: Maria Kristina

ADVERTISING

Cassandra Cuneta Concepcion

Birth Date: April 7, 1985

Zodiac Sign: Aries

ADVERTISING

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

Sam Milby & KC Concepcion: Forever Starts Today!

SAM MILBY

Real Name: Samuel

Lloyd Lacia Milby

Birth Date: May 23, 1984

Zodiac Sign: Gemini

Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

 

CLOSE FRIENDS IN real-life ang Kapamilya celebrities na sina Sam Milby at KC Concepcion. For the first time ay sumugal ang Star Cinema para ipagtambal ang dalawa sa upcoming romance offering nila ngayong Hunyo na may titulong Forever and a Day.

Base sa inilabas na teaser trailer, mukhang napasabak sa todong adventure trip ang magkaibigan, huh? Parehong mahilig sa outdoor activities ang dalawa kaya naman nakakaaliw silang panoorin.

Kunwari tanggalin natin sa eksena ang boyfriend ni KC na si Piolo Pascual at ang ka-MU ni Sam Milby na si Marie Digby. Malaki kaya ang tsansang mula sa pagiging ‘magkaibigan’ ay maging ‘magka-ibigan’ ang dalawa? Let’s see!

Ang Aries at Gemini ay mara-ming similar qualities kaya naman wala na silang problema kung compatibility rin lang ang pag-uusapan. Pareho nilang sobrang ine-enjoy ang kanilang buhay kaya mahilig silang gumala at makipag-ugnayan sa iba’t ibang activities mapa-performing man ito o kawang-gawa.

Hindi sila sanay na wala silang ginagawa kaya hangga’t maaari ay gawa sila nang gawa ng kung anu-anong proyekto. Wala silang masyadong paki sa nakaraan dahil para sa kanila, ang kasalukuyan ang dapat pagtuunan ng pansin.

Hahayaan ng Aries ang Gemini na i-enjoy nito ang kanyang freedom samantalang ang Gemini naman ay mataas ang lebel ng respeto sa kanyang partner. Todo suporta rin silang dalawa sa isa’t isa.

Kahit pa sabihin natin na swabe lang ang daloy ng pagsasamang ito, maaari rin naman silang magkaroon ng mga pagtatalo. Wala naman kasing relasyong perpekto, ‘di ba? Madalas na ang pagiging mabagal ng Gemini sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay ang ikaiirita ng Aries sa kanya. Maliban dito ay mga pakyut na tampuhan na lang ang pagtatalunan ng dalawa. Kailangan ding kontrolin ng Aries ang kanyang pagiging ‘natural flirt’ dahil puwede itong maging cause ng away nila ng selosong Gemini.

Samakatuwid, malaki ang tsansang balang araw ay maging real-life lovers itong sina Sam at KC. Malay natin, baka pagkatapos ng ilang buwan o taon ay magi-ging Mrs. Milby na rin ang dalaga ni Mega! Wow, bongga ever so much ‘yan ‘pag nagkataon! ‘Yun na powh!

PHOTO: SAM MILBY & KC CONCEPCION

By Madame Damin

Pares-Pares

By Madam DaminSam Milby & KC Concepcion: Forever Starts Today!

ADVERTISING