Sam Milby, hirap pa ring maka hanap ng kapalit ni Anne Curtis?!

ADVERTISING

Sam Milby, hirap pa ring maka hanap ng kapalit ni Anne Curtis?!

Sam Milby, hirap pa ring maka hanap ng kapalit ni Anne Curtis?!ILANG TAON NA rin ang lumipas nang mag-split sina Anne Curtis at Sam Milby, pero hanggang ngayon tipong zero pa rin ang lovelife ng hunk actor. Hindi pa niya nakikita ang dream girl para maging girlfriend. Samantalang si Anne, months lang ang binilang, may boyfriend na agad. Sinubukan naman ng binatang makipag-date sa international singer nasi Marie Digby, pero friends lang ang turing nito sa kanya.

ADVERTISING

Hindi nagmamadali si Sam, kung wala siyang special someone ngayon. Ini-enjoy raw niya ang pagiging single at happy siya sa takbo ng kanyang career as a singer/actor. Hindi yata siya suwerteng magkaroon uli ng syotang taga-showbiz. Kung papasok uli raw siya sa isang serious relationship, sisiguruhin daw niyang non-showbiz ang magiging girlfriend niya. Malayo sa intriga, tahimik at hindi open in the public eye. May privacy pa silang pareho.

 

AFTER NANG RELATIONSHIP ni Jake Cuenca kay Melissa Ricks, kailangan daw niya ng time para mag-heal ang sugat sa kanyang puso. At sana raw maging friends sila after their break-up. Kailangan nila ng space sa isa’t isa para ma-daling mag-heal. “For all the pain that I caused her, kung nasaktan ko man siya, she’s healing, respetuhin natin ‘yun,” pakiusap ng aktor.

ADVERTISING

Napabalitang maraming emotional tweets si Melissa. “We haven’t been talking recently. May sariling opinion si Mel. Nandito lang naman ako, kung anuman ang ipinangako ko, na kahit anong mangyari, ‘andito ako para sa kanya. I’ll stick to my word. When all is said and done, sana hopefully we can be friends.”

Bakit nga ba hindi nag-work-out  ang relationship ninyong dalawa? “Just because we broke-up, that doesn’t mean na puwede ko nang idetalye ang naging relationship namin. Everything that we shared with each other, we shared with each other. Ang relationship namin for two years, naging secretive kami.”

Tinanong namin si Jake kung hanggang ngayon mahal pa rin niya si Melissa, pero ang tanging nasabi niya, “Naroon pa rin ‘yung pagmamahal bilang kaibigan.”

Inamin ng binata na may closure na. So, wala nang chance para magkabalikan pa silang muli? “‘Yung breakup namin, it was an official breakup.”

Hanggang ngayon hindi pa nakaka-move-on si Jake sa paghihiwalay nila ni Melissa. “I’ll be honest, I’m enjoying the time I get to spend with my family and friends. Nakakalungkot man na nawalan ako ng karelasyon. I’m looking at the positive side of things. Life is not perfect. Hindi puwedeng lahat nasa ‘yo. Ang natutunan ko these past few years, dapat talaga binibilang mo ang blessing na dumarating sa ‘yo at nagpapasalamat ka kay Lord. Kaysa maging negative, be as positive as you can. Try to have a positive outlook in life.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING