Sam Milby, hindi na-detect na lesbian ang ex-girlfriend: ‘There was no sign’

ADVERTISING

Sam Milby, hindi na-detect na lesbian ang ex-girlfriend: ‘There was no sign’

Sam Milby, hindi na-detect na lesbian ang ex-girlfriend: ‘There was no sign’
Sam Milby

NILINAW ni Sam Milby, isa sa bida ng teleseryeng Halik ng ABS-CBN na wala na sila ng model/blogger na ex-girlfriend na si Mari Jasmine nang makarelasyon nito ang lady director na si Samantha Lee.

“It happened na wala na kami ni Mari,” paglilinaw niya.

“Wala ring overlapping. Hindi siya yung third party kaya kami nag-break, it’s not like that. We broke up and she started dating,” dagdag pa ni Sam.

     Naging aware ba siya sa sexual orientation ng dating karelasyon?

ADVERTISING

 “I didn’t expect, there was no sign. So, I was surprised noong nalaman ko. But I don’t really want to say too much.

“I knew a while before, pero noong kami, no signs, wala talaga. I didn’t know that she’s open to that kind of relationship so I had no idea,” sagot ng aktor.

Sa obserbasyon ni Sam, first time rin ni Marie na makipagrelasyon sa kapwa babae.

“From my understanding, it’s her first time to experience relationship with a woman,”  sey pa niya.

Samantala, kasama ni Sam na bida sa teleseryeng Halik na mula sa RSB Unit sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING