Sam Milby, ‘di nakapagpigil kay Jennylyn Mercado

ADVERTISING

Sam Milby, ‘di nakapagpigil kay Jennylyn Mercado

Sam-Milby-Jennlyn-MercadoHINDI RAW nakapagpigil si Sam Milby sa love at kissing scene nila ni Jennylyn Mercado sa latest movie ng dalawa sa Regal Films.

ADVERTISING

Natural lang na mabighani si Sam sa kaseksihan at ganda ni Jennylyn. Kahit na kasi may anak na ang actress ay napanatili nito ang kaseksihan at kinis ng katawan na hitsurang dalagang-dalaga pa.

At tulad ng dating sinasabi ng producer ng movie sa mga artistang nakukuha at nakukumbinsi nilang gumawa sa kanilang production outfit, “Sam is one of my favorite actor (buti na lang at hindi crush na madalas sabihin) aside from Piolo Pascual. Kaya nga nang pumayag ang Star Magic na ipahiram sa akin, feeling ko hihimatayin ako!” Oh, ‘di ba? Famous line ng naturang producer.

At pagmamalaki pa raw sa movie ng dalawa ay isang sikat at mahusay na director ang nagdirek sa movie. Well, sana nga ay kumita at magklik sa takilya ang nasabing movie. Sa panahon ngayon na inaabangan at pinapanood na lang ang isang Pinoy movie tuwing Kapaskuhan na kung saan ipinalalabas ang walong entry na napiling maglaban-laban para sa taunang pagdiriwang ng Metro Manila Film Festival.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING