Sam Milby celebrates birthday with Marie Digby

ADVERTISING

 alt=

 

ADVERTISING

ADVERTISING

MAG-DYOWA NA BA talaga ang hunk singer-actor na si Sam Milby at ang YouTube sensation na si Marie Digby? May nag-post kasi ng mga litratong ito sa Facebook, kung saan makikita ang dalawa kasama ang ilang kaibigan na kuha sa isang motocross event.

Ayon sa nagpadala ng mga litrato sa e-mail ng Pinoy Parazzi, May 23 kinunan ang mga ito, at petsa mismo iyon ng birthday ni Sam Milby. So, lumalabas na tila nag-birthday si Sam kasama si Marie, ‘di ba?!

Sabi nga, ‘di mo naman sasamahan ang isang tao sa espesyal niyang araw, kung hindi rin naman espesyal sa ‘yo ang taong iyon.

Eh, teka! Pa’no na si James Yap na balitang nakiki-pagmabutihan din kay Marie, bukod pa sa ‘special friendship’ ng basketbolista sa aktres na si Isabel Oli?

Ang gulo, huh!

AMINADO SI VICE Ganda na nagre-reklamo rin naman siya sa dami ng kanyang trabaho at karaketan. Pero hindi naman daw ibig sabihin niyon, inaayawan na niya, o nag-iinarte na siya gaya ng ipinagpapalagay ng iba. Tao rin naman si Vice na nakaramdam ng pagod!

Oo, napapagod din si Vice Ganda! Kahit sabihin mong araw-araw siyang nakikita sa TV dahil Lunes hanggang Sabado, mayroon siyang Showtime, at ‘pag Linggo naman, mayroon siyang Gandang Gabi Vice.

Saan pa nga ba hinugot ni Vice ang kanyang horsepower para sa kanyang album na Vice Ganda Lakas Tama? At heto pa, sa July 1, ang second major concert ng komedyante sa Big Dome na Vice Ganda Todo Sample sa Araneta!

Siguro, nawawala lang ang pag-iisip ni Vice Ganda sa pagod, at napipigilan siyang magreklamo kapag naiisip niya na buti nga siya may mga proyektong ginagawa, ‘yung iba wala… o kaya naman, mas tatalunin iyon ng hiya sa Diyos na sobra-sobra na kung magbigay sa kanya. Kaya naman gagawin na lang niya ang the best sa sandamakmak na trabaho para makabawi-bawi naman sa ibinibigay ng Diyos.

At kung sorpresa at sorpresa nga lang ang pag-uusapan, hindi nauubusan niyan si Vice. At iyon ang sisiguruhin niya sa July 1 sa Araneta Coliseum. Isang major concert na punung-puno ng sorpresa para sa kanyang mga tagahanga.

 

BLIND ITEM: MAS nakakabaliw naman ang nakarating sa aming chikka. Kakaiba rin pala kung mag-trip ang isang sexy personality. Naki-pag-threesome daw ito sa isang young couple na nasa early 40’s ang husband at late 20’s naman ang wife. Pamangkin daw ng isang kilala ring personalidad ang lalaki.

Ang chikka, matagal na u-manong plano ng mag-asawa na maka-threesome ang sexy personality, at sa kung anong kadahilanan, hindi natutuloy. Hanggang finally nga raw, naganap na ang kanilang pinananabikan! Pinananabikan daw, o!

Overnight daw iyon sa isang kilalang hotel-resort sa Boracay, sa kuwarto siyempre ng mag-asawa naganap ang mga pang-DVD na eksena. Ang siste, kaya raw bumigay ang sexy personality ay dahil sabog na sabog ito sa E, as in Ecstacy!

Hindi naman daw ginagawang ‘sideline’ ng sexy personality ang kanyang katawan. Trip-trip lang daw talaga ang eksena.

Clue? Ay, d’yan na muna kayo… minamanas na ang kamay ko, ‘di na ko makatipa! Hehe!

 

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING