Sam Milby at Zanjoe Marudo, may relasyon

ADVERTISING

Sam Milby at Zanjoe Marudo, may relasyon

Sam Milby & Zanjoe Marudo
Sam Milby & Zanjoe Marudo

Sam Milby at Zanjoe Marudo, may “bromance”? Yes, silang dalawa, may relasyon, kesehodang ang guguwapo nila at macho.

Yes, sure na sure ang bromance ng dalawang sexy hunk ng showbiz.

Bukod sa tipikal na yakapan, mayroong love scene diumano ang dalawa sa bagong pelikula nila na “Third Party” ng Star Cinema na nasa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Si Angel, she plays the former girlfriend of Sam na matapos silang mag-break at muling nagkita, naloka na lang si Angel na ang kanyang ex-boyfriend ay isa na palang beki.

ADVERTISING

Yes, si Angel Locsin ang “third party”, ayon sa kuwento sa amin ng isang taga-loob ng produksyon dahil sina Sam at Zanjoe ay gaganap bilang lovers.

Hindi naman daw “smack” lang ang kissing scene nina Sam at Zanjoe sa eksena nila sa pelikula para maging makatotohanan naman ang role na ginagampanan nila as lovers. Parang halikan nina John Lloyd Cruz at Luis Manzano sa ibabaw ng Brooklyn Bridge sa New York sa pelikulang “All My Life”, kung saan kasama nila si Vilma Santos.

Sa guwapo at pagka-hunk nina Sam at Zanjoe, kaiinggitan sila ng mga beki at mga “paminta”, ‘yong mga bading na nagpapaka-macho dahil mas uso ngayon ang mga M2M or shall I say G2G (gay to gay) relationship na impluwensya ng first world country tulad ng Amerika at Europe sa atin sa Pinas.

Ngayon na nauuso ang mga G2G or M2M relationship lalo na sa mga kabataan, no wonder na ang gayong tema ng pelikula, tulad din sa bagong pelikula nina Anne Curtis at Dennis Trillo with Paolo Ballesteros para sa Viva Films na “Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend”, ay magugustuhan at maiintindihan na rin ng millennials.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING