Sam Milby at Anne Curtis, PAG-IINITIN MULI ANG PASKO! – Eddie Littlefield

Sam Milby at Anne Curtis,  PAG-IINITIN MULI ANG PASKO! - Eddie LittlefieldSam Milby at Anne Curtis,  PAG-IINITIN MULI ANG PASKO! - Eddie LittlefieldEXCITED SI SAM Milby sa pagbabalik-US niya this coming Holiday season. After five years, magkakasama-sama ulit sila nang kanyang family to celebrate Christmas.

“Uuwi ako sa States, first time since 2004. Matagal na ‘yung last time na umuwi ako du’n, babalik ako January 4, 2010. Gusto ko namang makasama ang pamilya ko. Never kasi silang nag-Christmas dito sa atin, pero maraming beses silang pumunta rito to visit me,” intro ng hunk actor.

Matunog ang bali-balitang nagkabalikan na raw sina Sam at Anne Curtis. Tinukso namin ang guwapong actor kung may plano siyang i-date si Anne bago siya umalis.

“We’re close again, we’re not together. I think, iba kapag kami na. I’m sure magha-hang-out kami bago ako umalis, hindi ko lang alam kung kaming dalawa lang. Nag-first shooting na kami ni Anne under Star Cinema, wala pang pangalawang araw. Siguro may shooting uli kaya lang may mga preparations kasi. Gusto ni Direk, prepared kami sa mga role namin kapag nasa set na,” say ng binata.

Ipinaalam na kaya ni Sam kay Anne na sa States siya magse-celebrate ng Christmas with his family?

“Kailangan pa ba? Sinabi ko na sa kanya na gusto kong umuwi sa Pasko sa States to be with my family,” matipid niyang sagot.

Blackberry cellphone kaya ang ibinigay niyang Christmas gift kay Anne?

“Blackberry? Joke lang! Wala. Kasi, lahat kami naka-blackberry tapos may messenger sa blackberry na libre, blackberry to blackberry. It’s convenient talaga, parang group conversation din, buong ASAP group palagi kaming nag-uusap,” wika ni Sam.

Sinabi rin ni Sam na may Christmas gift na ibibigay sa kanya si Anne bago siya umalis. Hindi nga raw niya alam kung ano ‘yung special gift, suprise na lang daw. Maging ‘yung gift na ibinigay niya sa dalaga ay ayaw rin niyang sabihin. Sa takbo ng kanilang relationship as friends daw, may something na namamagitan kina Sam at Anne. Pilit na itinatago sa publiko ang tunay nilang saloobin sa isa’t isa. Hindi ba’t nang nag-break ang dalawa, saka lang inamin in public na naging sila.

“Kung sakaling magkabalikan kami, I’m not saying we will, kung sakali lang, we don’t want to rush naman, you know what I mean,” paglilinaw na sabi ng actor.

Pilit pa ring ipinagdiriinan ni Sam na zero ang kanyang lovelife, walang  girlfriend sa ngayon. Enjoy ang binata sa pagiging single daw niya at pagiging busy sa trabaho. Mas gugustuhin pa nga raw nitong mag-gym kaysa manligaw.

“Hindi naman ako naghahanap ng girlfriend, something na puwedeng mangyari. Hindi naman ako nagdyi-gym, tamad akong mag-gym, mayroon na akong gym sa bahay,” say pa niya.

Tapos na pala ang contract ni Sam sa Bench, kaya nakapag-sign na siya ng one year contract sa Folded & Hung. Three years din naman sinuportahan ng clothing line ni Ben Chan ang binata.

For the year 2009, bongga ang showbiz career ni Sam. Nand’yan ang concert, shows abroad, movie project at teleserye sa Kapamilya network kaya ganoon na lang ang pasasalamat ng actor sa lahat ng blessings na napasakamay niya. “Mayroon akong dalawang movies tapos ‘yung Dyosa with Anne and then Only You with Diether (Ocampo) and Angel (Locsin). I feel very very blessed pa rin.”

Sa pagpasok ng taon 2010, super-hectic na naman ang schedule ni Sam pagbalik niya from US.

“Marami actually, ‘yung bagong movie namin ni Anne, tapos, mag-i-start na akong mag-taping ng Precious Hearts with Maja Salvador. Mag-i-start din this January ‘yung teleseryeng Impostor. Right now, wala pa sa akin ‘yung script. Then, magge-guest ako sa May Bukas Pa ni Santino. Magte-taping ako bago ako umalis, ang role ko rito, bulag.” kuwento pa niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield