Sam Milby and KC Concepcion had to be physically apart during the filming of their movie

ADVERTISING

Sam Milby and KC Concepcion had to be physically apart during the filming of their movie

Sam Milby and KC Concepcion had to be physically apart during the filming of their movieBLIND ITEM: MAY hinala ang mga trabahante ng isang sabungan sa Metro Manila na hanggang ngayon ay ibinabahay pa rin ng isang actor-turned-politician (pero hindi na ngayon) ang may hitsurang waitress sa cockpit na nagngangalang Cristine.

ADVERTISING

Hindi pa raw nagkakasakit ang ating bida ay madalas siyang laman ng sabungang ‘yon (na meron naman sa kanyang sariling bayan), du’n siya nabighani ni Cristine na noong maging nobya ay itinira niya sa isang fully-furnished apartment.

Pero ang hindi alam ng aktor-pulitiko, bukod sa kanya’y may “kasabungan” din si Cristine. At ang lalaking ‘yon ang mismong source ng inyong lingkod.

Kuwento nito sa amin: “One time nga, muntik na akong abutan ni (pa-ngalan ng aktor-pulitiko) du’n sa apartment, kaya ang ginawa ko, umakyat ako sa kisame at isang araw akong nag-stay du’n. Hindi ako makababa kasi du’n natulog ‘yung syota ng syota ko, panigurado patay ako!”

ADVERTISING

Mula sa pagiging waitress ni Cristine ay umangat-angat ang kanyang buhay. Dagdag pa ng aming kausap: “Ikaw na ang bigyan ng sampu, beinte, treinta mil sa tuwing magkikita sila. Pinakamababa ‘yung diyes mil, kaya naman kahit paano, eh, naaambunan ako ng syota ko, padala-dalawang libo kung bigyan niya ‘ko.”

Pero hindi ba’t retirado na ang kanyang dating karibal?

“’Yun ang alam natin,” kuwento pa nito, “eh, malay naman natin kung may kontak pa sila ni Cristine hanggang ngayon? Ang hindi ko lang tiyak, eh, kung nagkaanak si Cristine sa kanya.  Eh, ‘di ba, ang dami-daming anak nu’n sa iba’t ibang babae?”

At napa-oo na lang kami.

 

SINADYANG PAGHIWALAYIN NI Direk Cathy Garcia-Molina sa set ang hindi pa isinasalang na sina Sam Milby at KC Concepcion in her latest romance film, ang Forever And A Day.

‘Pag nag-volt in daw kasi ang dalawang bida, expect too much noise dahil sa kanilang tsikahan. So, imbes na nga namang masira ang creative momentum ng lady director, she deemed it best for Sam and KC to be physically apart until a scene together would be shot.

Supposedly, Direk Cathy was commissioned to helm a project starring Sam pero iba ang leading lady, may pelikula rin siyang ididirek starring KC but with a different love interest. Pero nang ipatawag daw siya ng Star Cinema to do a Sam-KC love story, she thought that the first screen tandem seemed interesting enough to experiment on.

Forever And A Day is just one of several featured films in celebration of Star Cinema’s 18th year. Truth to tell, binasag ng naturang film arm ng ABS-CBN ang mga tinatawag na formulaic genre in terms of combination. Sam and KC would strike as an odd couple, a partnership na puwedeng pagdudahan ang chemistry, but this is where the strength of Star Cinema lies.

The odder, ‘ika nga, the more challenging. The stakes may be high, but Star Cinema is willing to take chan-ces na kadalasan, if not in perpetuity, wagi sa puso ng mga manonood. Forever And A Day is showing on June 15.

 

KUNG MAY “PORTION buy” lang kunwari ang isang produktong may brand name na “Katsipan,” no doubt, this portion on TV is brought to you by Face To Face!

Ngayong Miyerkules, expect another wave of katsipang episode na pinamagatang Nanay Na Mahilig Sa Laman, Pati Kinakasama ng Anak Ay Pinakikialaman? Caught in the act ni Luz ang kanyang madir na si Aling Dideng na kasama si Marco sa kuwarto, ang live-in partner ng anak niyang si Lhizan. Ito’y habang borlog naman sa sala ang tatay nila! The height ay ang pag-amin ni Aling Dideng ng kanilang relasyon ni Marco dahil amoy-lupa na raw ang dyowa niya… look who’s smelling?!

Another tacky comes your way tomorrow sa kuwentong Exchange Gift Ng Mag-utol: Si Kuya Sa Asawa Ko Pumatol! Ako, Sa Kasama Niya, ‘Di Na Tumutol! Rigodon de chorva ang plot nito, kung saan pinatos ni Cesar si Ramona na asawa ng kapatid na si Ricardo, na ang kinakasama naman ni Cesar na si Helen ay nang-akit kay Ricardo!

Hay, what a crazy world we all live in! But its inhabitants are crazier, sa true lang.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING