Sam and Diet’s Only Angel!

Lumelevel-up ngayon ang shows ng Kapamilya network kaya naman pursigido pa silang lalong pagandahin ang mga ipinapalabas sa telebisyon. At ngayong taon nga, bongga kung bongga ang upcoming shows nila na tipong may international touch pa, huh! Remake kasi mga kaparazzi. ‘Yun kasi ang uso ngayon noh! Harhar!

Nauna na nga riyan ang Lovers in Paris nina Papa P at KC na malapit nang ipalabas at sa Paris talaga sila nag-shooting noh. Heto pa’t go na go na rin ang remake ng hit Koreanovela noon, ang Only You. Para naman sa Pinoy version, winner ang kagwapuhan ni Papa Sam at Papa Diet bilang leading men ni Angel Locsin. Tsika nga, nasa Korea na ngayon ang buong production para sa simula ng kanilang taping.

Namataan nga ng ating pagala-galang parazzi ang tatlong bida na paalis ng bansa noong March 27. Tiyak naming enjoy na enjoy ngayon sina Sam, Diet, at Angel sa South Korea, huh! At tiyak din naming mahihirapan si Angel kung alin kina Sam at Diet ang pipiliin lalo pa’t siya lang ang nag-iisang anghel ng dalawang heartthrob. Chika lang ‘yun!

Photos by PARAZZI WIRES
by Jean Oli