SALVADOR POWER: Maja at Janella, nangabog sa twist ng ‘The Killer Bride’

ADVERTISING

SALVADOR POWER: Maja at Janella, nangabog sa twist ng 'The Killer Bride'
Janella and Maja Salvador in ‘The Killer Bride’

ADVERTISING

NAGULANTANG ang gabi ng mga Kapamilya viewers ng programang ‘The Killer Bride’. Kung sa first week ng programa ay confused ang lahat sa pagmumulto ni Camila (Maja Salvador) sa pamamagitan ng pagsanib kay Emma (Janella Salvador), ngayon ay nalaman na natin na isang malaking role playing lang ang lahat.

Yes, pagkukunwari lang ang lahat! Sa katunayan, inglisera pa ang pa-demure na probinsyanang si Emma. ‘Yun pala, scripted ang lahat at si Emma ang may pakana ng bonggang palabas na ito!

ADVERTISING

Samu’t saring tweets ang natamo ng programa dahil sa twist na ito, na ikinatuwa ng mga fans ng programa. Sa katunayan, may ilan na naging interesado sa show dahil dito. Bakit tinutulungan ni Emma si Camila? Mag-ina kaya sila?

O baka naman hindi talaga totoo si Camila at may mental condition si Emma? HUWAT?!

Nakaaaliw dahil maganda ang mga ganap sa ‘The Killer Bride’. Now we know why Maja chose this as her comeback project after ‘Wildflower’, na hanggang ngayon ay may loyal following pa rin.

With the connivance of Maja and Janella in this program, mukhang magiging fruitful ang collaboration ng bagong henerasyon ng Salvador.

ADVERTISING