Saksihan ang Metamorphosis ni Danna Garcel sa Music Museum

ADVERTISING

Danna GarcelSAKSIHAN ANG malaking pagbabago ni Danna Garcel sa kanyang Metamorphosis concert sa November 11, 8pm, sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

Pagkatapos ng ilang taong pagbangon mula sa aksidente na ikinasawi ng kaibigan niyang si Halina Perez noong 2004, nagbabalik si Danna Garcel, mas gumanda, mas sumeksi, at mas lumambing.

Natuklasan ng dalaga na may angking galing pala siya sa pagkanta. She is blessed with a lovely and powerful voice, hinasa niya ito sa mahabang panahon at sa tulong ng May Kapal, muling babalik sa industriya ng showbiz si Danna upang ipakita ang kanyang transformation.

Mas gumanda, mas sumeksi, at mas lumambing, makasasama ni Danna sina Luke Mijares at Daryl Ong sa kanyang debut concert.

Produced by RBN Publishing at JPDS Ventures, mabibili ang concert tickets sa Ticketworld outlets.

ADVERTISING
ADVERTISING