Sakaling mabuntis ni Derek Ramsay Angelica Panganiban, ‘di magpapa-abort!

 Sakaling mabuntis ni Derek Ramsay Angelica Panganiban, ‘di magpapa-abort!

 Sakaling mabuntis ni Derek Ramsay Angelica Panganiban, ‘di magpapa-abort!

 DALAWANG ORAS pa lang ang nakalilipas pagbaba ng eroplano ni Angelica Panganiban ay nakausap na namin siya. “Heto, kagagaliing ko lang sa Canada for a show at okay naman, dahil heto na uli ako ngayon sa Pilipinas at makakasama ko na uli si Derek,” pahayag ni Angelica.

Ayon pa sa aktres, nang umalis siya ng Pilipinas ay dobleng pag-aalala ang naramdaman niya para kay Derek. “Kasi nu’ng umalis ako, kalalabas lang niya ng ospital, kaya nag-alala siyempre ako kung ano na ang nangyayari sa kanya. At nu’ng malaman ko na nangati ang sugat niya dahil du’n sa inilagay na benda, talagang nag-worry ako, kasi baka lalong lumala ang sugat.”

Sinabi pa ni Angelica na kung siya ang masusunod, ayaw na niyang maglaro pa ang katipan na si Derek. “Kaya lang, matigas talaga ang ulo ng taong iyan. Paulit-ulit kong sinasabing huwag na muna siyang maglaro, pero magugulat ka na lang makikita mo naglalaro na ‘yan. Hay, naku… parang bata.” Sabi pa ng aktres na tatawa-tawa.

Sa kabilang banda, ayaw magbigay-komento ni Angelica tungkol sa hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion. Si Piolo ay isa sa mga bestfriend ni Angelica, samantalang si KC ay kasama naman niya sa Alta ng Dos.

“Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan dahil kung sa akin man mangyari ang ganun eh, hindi rin ako matutuwa kung may mga tao o kaibigan na nagsasalita para sa akin. Kaya huwag, ayoko.” Diin pa ng dalaga.

Sa kabuuan, wala pa raw planong magkaanak si Angelica. “Ayoko muna, masyadong maaga pa. Pero kung sakaling unang dumating ang baby kesa sa kasal eh, bakit ko naman siya pababalikin sa langit. Kung ‘yung aso nga, inaalagaan kong mabuti, ‘yun pa kayang magiging anak ko kung sakali,” makahulugan pang sabi ni Angel.

 Sakaling mabuntis ni Derek Ramsay Angelica Panganiban, ‘di magpapa-abort!

PAGKATAPOS MAAKSIDENTE sa frisbee, at long last sa kauna unahang pagkakataon ay sa Pinoy Parazzi nagpaunlak ng interview si Derek Ramsay at ito ay naganap sa Birthday Built-A-Home ng Habitat, kung saan sa halip na mag-celebrate ng birthday si Derek ay gumawa na lang ito ng bahay kasama ang ilan pang kasapi sa nasabing organisasyon.

Ayon kay Derek, masarap daw ang pakiramdam nang alam mo sa sarili mo na may natutulungan kang mahihirap na kababayan.

“Siyempre iba ‘yung alam mong may mga taong natutuwa sa mga ginawa mo. I mean ginagawa ko ang ganitong bahay dahil gusto ko, at ito ang dapat kong gawin sa aking kapwa,” pahayag ni Derek.

Samantala, inamin ni Derek na may mga araw na masakit talaga ang tahi ng kanyang braso. “Actually, braso ko talaga ang naapektuhan. ‘Yung daliri, hindi naman masyado, kasi nu’ng saluhin ko ‘yung frisbee, ang naitukod ko nang husto ‘yung kanang kamay ko kaya bali. Ang nabali ay ang braso ko na hanggang sa ngayon, hindi ko pa masyadong naikikilos nang normal.”

Sa kabila ng sakit na nararamdaman, nagpala at naglagay ng semento sa gilid ng ginagawang bahay si Derek kasama ang ilang staff ng Habitat para suportahan ang nasabing project.

Samantala, naloka kami sa sumunod na linya ni Derek nang itanong namin sa kanya kung totoo nga bang lilipat na siya sa TV5 tulad ng mga naglalabasang balita.

“Sa January pa matatapos ang kontrata ko. Tatapusin ko muna ang holidays bago ako magsalita, at wala naman akong nakikitang masama kung mangyari iyon.”

Inamin ni Derek na may offer sa kanya ang Singko. “Gusto ko kasi kung sakaling umalis ako sa Dos eh, ‘yung may blessing sila. Ayoko namang umalis nang may samaan ng loob,” sabi pa ng binata.

One plus one, huwag na tayong magulat pa kung sa January 7, si Derek ay nasa Kapatid Network na tulad nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, Aga Muhlach at ng marami pang iba bukod kina Maricel Soriano at Nora Aunor.

More Luck
by Morly Alinio