Sakaling iwan ng dyowang aktres: tibong network executive may reserba nang young actress!

ADVERTISING

MAY BAGO NA naman daw apple of the eye ang tibong network executive na ito. Of course, nasa network niya ang kanyang bagong pinagpapantasyahan. Isa itong young actress na hindi naman kagandahan kundi maputi lang.
Ang tsika sa compound ng pinagrereynahan (pinaghaharian?) niyang network ay unti-unti nang nagpaparamdam ang tibo sa aktres na medyo hurting ang drama ngayon.
Kung totoo ito, hindi kami magtataka kung biglang bumongga ang career ng hitad na na-disillusion kamakailan dahil sa kanyang naudlot na proyekto. We will not be surprised kung maging kabi-kabila ang proyekto ng aktres na ito dahil nga sa kakaibang pagtingin sa kanya ng tiborsyang network executive.
Teka, paano na ang aktres na sinasabing hawak din ng lesbian na ito? Does this mean na wala na siya sa eksena?
Well, siya pa rin naman daw ang dyowa ng tomboy na ito. Kumbaga, reserve lang ang young actress para hindi ma-zero ang love life ng lesbian network executive.

(By Alex Brosas )

ADVERTISING