Sakal na sakal na raw sa relasyon nila John Lloyd Cruz, hiniwalayan na si Shaina Magdayao?!

ADVERTISING

Sakal na sakal na raw sa relasyon nila John Lloyd Cruz, hiniwalayan na si Shaina Magdayao?!

Sakal na sakal na raw sa relasyon nila John Lloyd Cruz, hiniwalayan na si Shaina Magdayao?! USAP-USAPAN NOONG LUNES ang diumano’y hiwalayang Shaina Magdayao at John Lloyd dahil daw sa hindi na nila pagkakaintindihan. May mga text messages daw na ipinadala si Shaina sa dating nakarelasyon ni Lloydie na si Ruffa Gutierrez.

Nag-ugat daw ito nang magkita sina JLC at Ruffa sa birthday ni Bea Alonzo na parehong imbitado ang tatlo. Nasundan pa raw ito ng pagkikita naman nila sa birthday cum concert ni Vina Morales sa Republiq. Nagkausap din daw sina John Lloyd at Ruffa pati ng isa pang ex ng binata na si Liz Uy.

Noong Linggo sa Paparazzi Showbiz Exposed,  ipinaliwanag at kinumpirma nga ni Ruffa na nagti-text sa kanya si Shaina after ng mga naturang insidente, pero hindi na niya ikinuwento ang mga nilalaman ng text ng dalaga.

Pero noong Lunes, sa Juicy, ikinuwento ni Mo Twister na nabasa niya diumano ang ilan sa mga text sa cellphone ni Ruffa at hindi raw kagandahan ang ilan sa mga mensahe roon. May isa pa nga raw text na may salitang ‘F_ _ _’ na nakalagay.

ADVERTISING

Hindi pa rin malinaw kung sino ang nakipag-hiwalay kanino pero maraming haka-haka na ang lalaki ang nakipagkalas dahil siguro sa napuno na ito sa pagiging selosa ni Shaina. Open book kasi sa lahat na walang masamang tinapay si Lloydie sa kanyang mga ex-es at nananatili silang magkaibigan kaya naman kung may pagkakataong magkita sila ay hindi maiiwasan nitong kakausapin sila.

Ayon pa rin kay Ruffa, tumawag sa kanya si John Lloyd isang araw matapos ang concert ni Vina upang humingi ng dispensa sa pagti-text na ginawa ng girlfriend sa kanya.

At noong Lunes din ay nagpahayag si John Lloyd na hindi nga maganda ang mga bagay-bagay na namamagitan sa kanila ng dalaga sa ngayon.

Kasabihan nga na kapag hindi ka na masaya sa isang relasyon dapat ka na sigurong lumayo at humiwalay dahil ang kaligayahan ay hindi nangangahulugang dapat may kasama ka sa buhay. Puwede ka ring lumigaya sa ibang bagay kahit mag-isa ka lang.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata pa sa hiwalayang ito.

 

NOONG FIRST ANNIVERSARY ng Wil Time Bigtime, nakausap namin ang Big Boss ng TV5 na si Manny V. Pangilinan at masaya niyang ikinuwento sa amin na going global na ang kanyang istasyon in 2012. In fact, magkakaroon ng TV5 caravan sa Dubai sa first week of November at halos lahat ng big stars ng istasyon ay dadalo rito upang pasayahin ang mga kababayan natin abroad.

Isa rin sa magandang ibinalita ni MVP na early next year, lilipat na sa state-of-the art TV5 studio complex ang operations ng istasyon sa may Mandaluyong. Wala na talagang makapipigil pa sa pag-angat ng sleeping giant na tinagurian na ngayong isa sa mga ‘Big Three’ pagdating sa ganda ng mga programa at hindi na lamang tinatawag na alternative station.

Expect the unexpected, ‘ika nga, ‘pag tuluyan nang mambulabog ang Singko sa inyong mga telebisyon come 2012.

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Nakakuwentuhan namin ang isang reliable source at kinumpirma niyang nakapirma na nga sa istasyon ang isang magaling na actor-TV host sa TV5. Plantsado na diumano ang mga detalye at ilang tulog at gising na lang ay muli na siyang mapapanood sa telebisyon.

“Inaayos na lang ang kanyang show, may mga pinaplantsa lang na detalye sa kabuuan ng kanyang programang pangu-ngunahan at aalagwa na rin siya,” paunang kuwento pa nang aming source.

Dagdag pa niya, “Hindi kasi puwedeng hilaw ang ihahain natin dahil alam mo namang ilang taon din niyang pinaghaharian ang noontime sa isang malaking istasyon. Basta super bongga at super big sa mga papremyo ang kanyang show.”

Pahabol pang kuwento ng aming source, “Game ka na ba sa galing niya at sa sayang hatid niya? Well malapit na malapit na!”

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING