Saicy Aguila is afraid of something

ADVERTISING

 

Saicy Aguila is afraid of something

ADVERTISING

Saicy Aguila is afraid of somethingBLIND ITEM: SINO itong kontrobersiyal na young actress na nagsisisigaw sa parking lot ng isang condo building.

Ba’t siya nagsisisigaw? Ano’ng meron?

Eh, pa’no kasi, iritang-irita niyang nilayasan ang young actor sa condo unit nito.

ADVERTISING

Kaya nu’ng makita ng young actress sa parking lot ang driver ng young actor, tumili ito ng, “Pagsabihan mo ang amo mo, ha? Ayaw akong paalisin! Gusto yata, dito na ‘ko tumira. Tumigil siya, ha? Napaka-possessive!”

Na ikinagulantang din ng ibang drivers na naroroon at nakasaksi.

So ibig sabihin, nadadalas ang young actress sa condo unit ng young actor?

May nakapagkuwento sa amin na, “Nako, ang lola mo, ‘Day, mahilig talaga. Ikaw ba naman ang lumuwas pa sa condo unit ng lalaki para lang magpakangks, ‘di ba?  Kundi ba naman siya hitad at kalahati?

“O, masisisi ba niya ‘yung guy kung napatikim niya ito nang kakaibang sarap ng tunay na sinigang? Hahahahaha!”

Hay, nako… kung panganga-ralan ko ‘tong girl na ‘to, ang sasabihin lang namin sa kanya ay, “Girl, ‘yung iyong kahiligan sa guys, ‘yung pagiging mapusok mo, iwan mo ‘to at tutukan mo ang career mo!”

ALAM N’YO BA na mas gustong sumayaw kesa umarte sa teleserye o drama guesting si Saicy na kilalang mahusay humataw sa floor nu’ng na-bubuhay pa ang “Pilipinas Win Na Win”?

Ilambeses na siyang i-naalok umarte, pero ayaw ni Saicy. Masaya na raw siyang nagsasayaw. Ayaw niyang mag-taping, natatakot siyang u-marte, dahil baka hindi raw siya makaarte ay talakan pa siya ng direktor.

Pasayawin n’yo na lang daw siya kahit maghapon, mas type niyang gawin ‘yon kesa paiyakin siya sa teleserye.

Ayun, pagkatapos matigbak ng noontime show, as of now, ang isang show sa Studio 23 pa lang ang kanyang show at tengga pa ang byuti ng hatawerang si Saicy Aguila.

 

NALOKAH KAMI SA pre-prod meeting para sa “Vice Ganda: Todo Sampol Sa Araneta” this coming July 1, 2011. Bongga at “unkabogable” ang mga naisip na gimik ni Vice na ‘wag na ‘wag n’yong palalampasin at dapat n’yong panoorin, dahil hindi n’yo ito mapapanood sa video.

“Du’n lang talaga sa Araneta Coliseum, dahil ayoko nang isinasalin sa video ang concerts ko, dahil baka ma-edit-edit, mahirap na. Mawawaley ako. Saka sa TV, hindi ko rin type na ipinapalabas, dahil baka isipin ng tao, ‘yun lang napanood nila sa video ang kabuuan ng show eh edited nga ‘yon.”

Juice ko, ‘eto para magkaroon kayo ng idea sa content ng show ni Vice Ganda. Dapat itong panoorin ni Erik Mana, Alakim at kahit ni David Blaine.

Ganu’n katindi. Kaya sa mga wala pang tickets, tawag lang sa 911-5555 para masaksihan ninyo nang walang kakurap-kurap ang mga inihandang gimik ni Vice Ganda.

“Gusto kong itratong last show ko na ‘to sa Araneta, kaya bobonggahan ko na. Saka hindi naman pinulot lang sa lupa ng mga tao ang ipinambayad nila, kaya gusto ko namang sulitin ‘yung effort nila, panahon nila at pera nila sa concert ko!”

 

Follow n’yo naman po kami sa aming Twitter (@ogiediaz) at sa aming blogspot at www.ogiediaz.blogspot.com at pa-like naman ng aming fanpage sa FB ang “The Ogie Diaz.” Salamat po!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING