Saicy Aguila at Luningning, damay sa kagagawan ni Wille Revillame – Tita Swarding

ADVERTISING

Saicy Aguila at Luningning, damay sa kagagawan ni Wille Revillame - Tita SwardingSaicy Aguila at Luningning, damay sa kagagawan ni Wille Revillame - Tita Swarding

Nang dahil sa kagagawan ni Willie Revillame pati ang dalawang dancer nitong si Luningning at Saicy ay tanggal na rin sa nasabing noontime show? ‘Yan ang nakarating sa akin at tanong ng karamihan kaya ang inyong lingkod ay tawag agad sa mga Parazzig Girl ko na naka-base sa loob ng istasyon ng Dos. Tsika ng aking Parazzi Girl,totoo na apektado pala ang dalawang dancer na ito sa mga kabalbalang ginagawa ng hitad na TV host dahil pati ang dalawang dancer na sina Saicy at Luningning ay nadamay na rin.Pinagbawalan ang dalawang ito at tatangalin ang portion nila kung saan nagsasayaw sila na super iksi ang suot. ‘Yan daw ang nakalagay sa pinadalang sulat ng MTRCB sa pamunuan ng nasabing show. Kaya, ayun ang dalawa, kapirangot na nga lang ang exposure nila ay nawala pa at pinalitan ng  ilang dancer na Brazilian na ewan ko kung saan napulot. Ha! Ha! Ha! Ginagaya ang sa kabila. Kalerke, ha! Marami ang  nagsaya at hindi pa nga makakabalik ang mayabang na TV ng Wowowee at ito rin ang nakakaloka dahil pati rin pala ang ilang DJs ay may hinanakit sa mayabang na host na si Willie.

Dagdag ng aking Parazzi Girl,nasabi ra ito ng DJ ng for life na si Martin D na buti na lang at hindi pa makakabalik ang mayabang na host ng Wowowee. Hindi lang mabangit-bangit  ng DJ na ito ang pangalan ng host na si Willie. May konting eklat lang pero halata sa tono nito na masama ang loob niya sa host ng Wowowee. Bakit kaya? Naku, ha, pati ang mga DJs ay hindi rin pinatawad ni Willie at nainsulto rin pala niya ang mga ito. Kaloka, ha!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Celebrity icon at TV host, apektado sa global crisis?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING
ADVERTISING