Sagot ni Krista Ranillo sa isyu nila ni Manny Pacquiao, inaabangan pa rin! – Ronnie Carrasco

ADVERTISING

Sagot ni Krista Ranillo sa isyu nila ni Manny Pacquiao, inaabangan pa rin! - Ronnie Carrasco

Sagot ni Krista Ranillo sa isyu nila ni Manny Pacquiao, inaabangan pa rin! - Ronnie CarrascoIMBES NA NAG-BUILD UP ang excitement sa ginawang pa-raffle ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan sa kanilang eraly Christmas treat for the press, parang rollercoaster ride ‘yon na akyat-baba ang hatid na pananabik.

ADVERTISING

But the affair led by Perry’s most prized artist, who else but Dingdong dantes, ended with a fabulous note. Nauna nang ipinaliwanag ni Perry an urong-sulong sila sa pagbibigay ng party na ‘yon under the worst of circumstances na pinagdaanan ng ating bansa. Pero nanaig ang pagnanais nilang magpasalamat for this year’s bounty, kaagapay ang tulong ngt press.

Pero kung merong isang nakaaaliw na kaganapan ng gabing ‘yon, ‘yon ay ang pauso ni Nene Riego who couldn’t come due to a sprained foot yata. Sa halip, nagpadala na lang si Tita Nene ng authorization letter (OA na kung may kalakip pang medical certificate, huh!).

All I all, masaya ang pambuena-manong treat na ‘yon ng kumpanya ni Perry which has grown so big katulad ng kanyang katawan… joke!

ADVERTISING

FINALLY, STARTALK HAD done an editorial on the still-controversial issue involving Manny and Jinkee Pacquiao, ad Krista Ranillo in its Walang Takot Sasabihin (WTS) segment.

Kinailangan muna kasing mangalap ang Startalk ng sapat na rekadong bubusog sa kuwentong ninanamnam pa rin ng bayan: ang umano’y illicit affair between Manny and Krista. While both Pacquiaos and Ranillos have spoken, nananatili pa ring out of reach si Krista who, in fairness, is being given her day in court, ‘ika nga, to defend her name ang reputation.

Sa ngayon, nasa ibang bansa pa rin si Krista. At ayon nga sa maraming press, it would also be to her greater advantage kung hindi muna siya uuwi ng bansa and let the issue simmer bago bumalik. But the sooner Krista resurfaces, mas mainam. Ang pag-amin o pagtanggi niya ang sinusubaybayan ng lahat. The public can’t seem to wait any longer.

Anu’t anuman ang kanyang sasabihin, her 2010 calendar will augur well for her. At ito’y ang masimulan niya ang bagong taon with a “new, improved life.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING