Sabrina M, arestado sa droga

ADVERTISING

 alt=

Sabrina M
Sabrina M

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang dating sexy actress na si Sabrina M (Karen Salas Pallasigue sa totoong buhay) at dalawa pang matapos maaresto sa isang buy bust operation sa Quezon City, hating-gabi ng September 25, Linggo.

ADVERTISING

Ayon sa ulat, inaresto si Sabrina sa isinagawang raid ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) at District Special Operations Unit (DSOU) sa kanyang bahay sa # 9 Pulangui St., Napocor Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City matapos magbenta ng P6,000 halaga ng shabu sa isang poseur-buyer sa kanyang tirahan.

Kinalala naman ng pulisya ang dalawa pang kasama ni Sabrina na naaktuhang gumagamit ng shabu sa loob ng kanyang bahay na sina Erwin Suba San Martin, 29, may kaparehong address ni Sabrina; at Edwin Locsin Coloma, 38, ng Roque 1 Extension, Brgy. Pasong Tamo.

Nakakuha rin sa bahay ni Sabrina ng ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

ADVERTISING

Sumikat bilang sexy star si Sabrina noong 90’s sa mga pelikulang “Karanasan: The Claudia Zobel Story” at “Totoy Mola”.

Si Sabrina ang pangalawang celebrity na inaresto kaugnay ng droga. Una nang naaresto si DJ Karen Bordador, kasama ang boyfriend na si Emilio Lim, sa isang operasyon sa Pasig City.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING